PUMANAW na si dating Solicitor General Frank Chavez matapos makaranas ng stroke kamakalawa ng gabi.
Kinompirma kahapon ni Ingrid Chavez na noon pang Hulyo na-confine sa ospital ang kanilang ama.
Ang opisyal ay ipinanganak sa Bateria, Sagay, Negros Occidental noong Pebrero 6, 1947.
Siya ay nag-aral ng school education sa University of Negros Occidental-Recoletos, at nagtapos bilang salutatorian.
Pumasok siya ng West Negros College sa Bacolod City para sa kanyang college education, at nagtapos naman bilang summa cum laude noong 1967 sa kursong Bachelor of Arts major in English.
Nagtapos siya ng abogasya sa University of the Philippines bilang cum laude noong 1971.
Si Frank Chavez ay nagsilbing pinaka-batang Bar examiner sa edad na 38 noong 1985 Bar examinations.
Taon 1986 nang tanghalin siya bilang isa sa Ten Outstanding Young Men (TOYM) awardees.
Siya ay nagsilbi bilang Solicitor General noong taon 1987 hanggang 1992.
(HNT)