Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
BEAUTY GONZALEZ Rhea Tan

BEAUTY GONZALEZ ROLE MODEL SI MS. RHEA TAN, 
bagong mukha ng Beautéhaus

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

SI BEAUTY GONZALEZ ang bagong mukha na kakatawan sa BeautéHaus bilang isa sa pinakapinagkakatiwalaang dermatological centers sa Angeles City, Pampanga na kakatawan dito sa mas malawak na merkado.

Itinatag ni Ms. Rhea Anicoche-Tan noong 2016, ang BeautéHaus ay isang subsidiary ng Beautéderm Group of Companies at itinuturing itong major beauté clinic sa Angeles City, Pampanga.

Ipinagmamalaki ng center na isa sa pinakamahusay na medical teams sa Northern Luzon na dalubhasa sa dermatology na mayroon at pati na rin ang mga latest top-of-the-line, cutting-edge na machines at equipment sa larangan ng aesthetic medicine.

Sa nakalipas na amin na taon, ‘di na mabilang ang mga taong nagtitiwala sa BeautéHaus dahil sa mga procedures nito gaya ng signature Beautédrip, Snow White Laser, CO2 Renew Laser, Exilift, at pati na rin ang pinakabago at sikat na sikat nitong Ultherapy among many other fabulous and life-altering treatments.

Kinakatawan ni Beauty ang mga ideals ng BeautéHaus – ang pagmamahal sa sarili na siyang nagbibigay ng grasya at lakas ng loob sa isang tao na mahalin ang kanyang kapwa.

Isa si Beauty sa pinakatalentado at respetadong dramatic aktres ng kanyang henerasyon sa pelikula at telebisyon at isa siya sa bida ng top-rating afternoon drama series ng GMA-7 na The Fake Life. Gagampanan din niya ang papel ni Violet Chua sa Mano Po Legacy: The Flower Sisters sa Kapuso Network.

Lumabas si Beauty sa mga blockbuster movies gaya ng My Only U, Feng Shui 2, Starting Over Again, The Third Party, at sa 2021 biopic Gensan Punch.

Bilang isang wellness enthusiast, mahalaga para kay Beauty na alagaan ang kanyang sarili upang magkaroon ng balanseng buhay bilang aktres, asawa, at ina, kaya siya ang karapat-dapat na maging mukha ng BeautéHaus.

Ilan sa mga paborito niyang BeautéHaus procedures at treatments ay ang Exislim – a machine that combines the technology of RF and ultrasound for body slimming that is also ideal for skin tightening; ang M-Shape – a non-invasive, body sculpting and slimming machine with no downtime; ang Snow White Laser – a skin lightening treatment best for uneven skin tone, dark spots and marks, and other pigmentations; ang BeautéDrip – a supplementation for wellness and beauty administered via IV (intravenous route) that contains high dose of glutathione, collagen, and vitamins for boosting the immune system, increasing energy, and is an anti-aging while giving the skin a brighter tone; ang BeautéTox – an injection procedure to improve or diminish wrinkles and fine lines for a more youthful look; at anf Lite Facial – a basic facial procedure for removing whiteheads, blackheads, and clogged pores in maintaining a clear skin.

Wika ni Beauty, “Maligaya po ako ngayong bahagi na ako ng BeautéHaus family that is doing wonders to the lives of many people by making them feel more beautiful and confident. Blessed din po ako to be a part of BeautéHaus because the center is helping me to age gracefully since I’m not getting any younger.”

Aminado si Ms. Rhea na napamahal na sa kanya ang aktres dahil sa kabutihan ng puso nito at dahil very professional ito. “Ang sarap ng experience namin while working with Beauty. I have always been drawn to hardworking women who values friendship and family like Beauty. Hindi lang siya maganda at talented, napakabuting tao rin niya.”

Thankful si Beauty sa init ng pagtanggap ni Ms. Rhea sa kanya. “I am really grateful to Ms. Rei for trusting me to represent BeautéHaus. Inspirasyon siya sa mga babaeng katulad ko dahil maganda ang kanyang puso. She is so blessed because she is truly beautiful inside and out. Role model ko siya and I sincerely thank her from the bottom of my heart.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …

MMFF MMDA

MMDA pumagitna pagdaraos ng advance screening ng 8 entries

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman ang naging solusyon ng MMDA na mangialam sa pagdaraos ng advance …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Sylvia sa I’m Perfect: Hindi namin ‘to ginawa para magpasikat

MATABILni John Fontanilla DREAM come true para sa producer ng Nathan Studios, Sylvia Sanchez na gawin ang pelikulang I’m …