Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

12 arestado sa ‘putahan’

NAARESTO ang 12 katao kabilang ang walong babae sa pinaigting na kampanya laban sa mga putahan at mga walang work permit sa Taytay, Rizal.

Gayonman, natuwa pa ang mga empleyado ng Ysabell KTV Bar dahil ligtas na sila sa kamay ng isang alyas Alvin na may-ari ng nasabing club, na sapilitang nag-uutos na magtanghal ng malalaswang panoorin sa harap ng mga kustomer.

Kinilala ang mga nadakip na sina Ashley Llera, 23; Lyka Ramirez, 27; Yna Trinidad, 21; Shanel Anores, 24; Rhebiejoy Delos Santos, 25; Carla Flor, 28; Katlyn Corpez, 28; April Geroquia, 20, at ang mga waiter na sina Edward Dela Cruz, 22; Jolas Cenidoza, 24; Dante Samarita, 25; at Neil Salzar 24, pawang stay-inn sa Ysabell KTV bar.

Base sa imbestigasyon ng pulisya, dakong 12:05 a.m. nang salakayin ng mga awtoridad ang Ysabell KTV bar sa National Road Brgy. San Juan, Taytay, Rizal.

Nabatid na nakatanggap ng impormasyon ang tanggapan ni Taytay, Rizal Police chief, Supt. Elpedio Ramirez hinggil sa malalaswang panoorin sa nabanggit na club bukod sa bentahan ng laman na karaniwang nagaganap sa mga VIP room kaya agad na ipinaberipika ang naturang ulat. Nang magpositibo ang ulat ay agad isinagawa ang pagsalakay na nagresulta sa pagkakadakip sa 12 katao.

(ED MORENO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …