Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Beauty Gonzalez Rhea Tan

Kapag nagretiro sa showbiz
BEAUTY GUSTONG MAGING NEGOSYANTE TULAD NI RHEA TAN  

PABONGGAHAN
ni Glen P. Sibonga

NAPLANO na ng aktres at face of BeauteHaus na si Beauty Gonzalez ang pagreretiro niya sa showbiz paglipas ng anim na taon. Gusto kasi niyang magretiro habang aniya ay “up there” pa siya, sikat at maganda pa rin sa pag-exit niya sa showbiz.

“Inaway nga ako ng husband ko eh. ‘Ang yabang-yabang mo. Six years ang sinasabi mo riyan,’” pabirong sabi ni Beauty. “Well, six years from now I still look like Ms. Rei (Beautederm CEO and President Rhea Anicoche Tan), payat, sexy and beautiful, ‘yun ang goal ko. Siyempre hopefully marami na akong nagawang magagandang projects. I mean, gusto kong mag-retire but kung mayroong magandang project that I can’t resist who am I to say no. But kung kaya I want to retire young and beautiful, while I’m still up there. Ayokong umalis ako na ‘yung hindi na maganda. Para ‘pag nakatalikod ako masaya pa rin ako.”

Pero may pangarap siyang gustong tuparin pagkatapos ng pagreretiro niya—ang maging isang negosyante katulad ni Ms. Rhea.

“Be like Mama Rei, be a businesswoman, why not? Matutuwa ‘yung Mama ko. Aside from that, take care of my family. Continue what I love, I love arts. So, maybe I’ll have an art gallery someday. ‘Yun ang mga dream  ko,” ani Beauty.

Sa ngayon, happy si Beauty na ang dami niyang projects na ginagawa at may mga endorsement siyang dumarating katulad na lang ng pagiging Face of BeauteHaus. Kaya thankful siya kay Ms. Rhea, sa BeauteHaus Clinic, at Beautederm Corporation.

“Maligaya po ako ngayong bahagi na ako ng Beautederm at BeautéHaus family that is doing wonders to the lives of many people by making them feel more beautiful and confident. Blessed din po ako to be a part of BeautéHaus because the center is helping me to age gracefully since I’m not getting any younger,” sabi pa ni Beauty.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Glen Sibonga

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …