Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

BIR inspectors, tuloy sa kabaluktutan?

TUWID na daan!? Ewan!

Kasunod nito ay ngiting aso na ang nakita ko sa negosyanteng kausap ko sa Barangay Holy Spirit, Quezon City.

Ganito ang kanyang naging kasagutan niya sa katanungan kong… “O, kalahati na lang pala ang puwesto niyo. Bakit mahal ba ang renta?”

Hindi naman daw kundi…iyan na ang bigla niyang isinagot sa atin — ang “tuwid na daan daw.”

Kaya inusisa ko ang lahat bilang isang mamamahayag at suking kustomer na rin nila.

Hayun, kaya pala kalahati na lamang ang puwesto nila ay dahil sa Bureau of Internal Revenue (BIR).

Bakit po malaki ba ang binabayaran ninyong buwis sa malaking puwesto? Tanong ko.

Hindi naman daw kaya lang, dahil may kalakihan ang puwesto ay inaakalang malaki ang kita o may araw-araw na benta para sa mga kailangan sa sasakyan.

Makaraan, itinuro naman niya ang kanyang business permit gayon ang iba pang requirements sa negosyo at kasabay ng pagsabing… “Mayroon naman na kami niyan, nagbabayad na nga kami niyan tapos ang gusto pa ng BIR ay magbibigay kami ng buwanan.”

Anong buwanan? Buwanan buwis magbabayad kayo sa BIR? Paglilinaw na tanong ko.

Hindi po kundi ang gustong mangyari no’n mga nagpupuntang BIR (inspectors) ay magbibigay kami sa kanila ng buwanan ‘buwis.’

Hayun, hindi pumayag ang negosyante dahil nga nagbabayad naman na raw sila ng buwis bukod sa wala naman silang itinatago.

Dahil sa pangyayari, minabuti na lamang ng negosyante na kalahati ng dati niyang puwesto ang inupahan.

Hindi nga pala ako kilala ng negosyante – hindi niya rin alam kung ako ay isang mamamahayag basta’t isa lang sa masasabi nilang suki sa pagbili ng langis para sa sasakyan.

Ngayon inilathala natin ito upang sa gayon ay makarating sa kinaukulan ang mga nangyayari — opo Pangulong PNoy dapat mong malaman na binababoy ang inyong tuwid na daan. Kunsabagay hindi lang naman ngayon tinatarantado ang tuwid na daan ni PNoy kundi noon pa.

Sa kasalukuyan ay hindi lingid sa kaalaman natin na busy si BIR Comm. Kim Henares sa kahahabol ng mga delinkwenteng negosyante sa pagbabayad ng buwis maging ng mga doktor, engineer at iba pa.

Maganda po iyan Comm. Henares pero hindi ba mas maganda rin kung  isama mo sa inyong mga habulin ang mga damuho at tarantadong inspectors. Aba’y sinasamantala nila ang inyong kampanya – ginagamit nila sa pangsarili. Kaliwa’t kanang kotong pala ang kanilang ginagawa sa maliliit na negosyante tulad ng naibahagi sa atin ng isang negosyante.

Comm. Henares, tinatarantado lang ang inyong kampanya laban sa mga delingkuwenteng negosyante. Kaya naman pala, walang matinong negosyante o bihira lang ang matino dahil sa ilan mong tarantadong inspector.

Almar Danguilan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Rochelle Pangilinan Arthur Solinap Sexbomb

Rochelle naiyak sa tagumpay ng Sexbomb reunion concert

MATABILni John Fontanilla UNTIL now ay hindi pa rin makapaniwala si Rochelle Pangilinan sa success at sold …

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …

Lala Sotto MTRCB

MTRCB, tapos nang irebyu ang 8 pelikula sa MMFF ‘25

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio EKSAKTONG dalawang linggo bago mag-Pasko, natapos ng Movie and Television …

Goitia PCG PH Army

Goitia: Ang Pag-atake sa Escoda Shoal ay Maaaring Ituring na Deklarasyon ng Digmaan

Sinasadyang Karahasan sa Kabuhayan ng Pilipino Ang pagkasugat ng tatlong mangingisdang Pilipino at pagkasira ng …