Wednesday , May 7 2025
fire sunog bombero

Sa Lanao del Norte
101-ANYOS GABALDON SCHOOL BUILDING TINUPOK NG APOY

NAGLIYAB hanggang tuluyang maabomula sa sumiklab na sunog nitong Miyerkoles ng madaling araw ang isang centennial school building sa bayan ng Lala, lalawigan ng Lanao del Norte, na tinatayang P19.7-milyong halaga ng ari-arian ang kasamang natupok.

Ayon kay SFO2 Jessie Cabigon, pangunahing imbestigador ng Bureau of Fire Protection – Lala Fire Station, nagsimula ang sunog sa Lala Proper Integrated School (LPIS) lagpas ng hatinggabi at naapula dakong 4:51 am kahapon.

Ani Cabigon, naabo ang 101-anyos Gusaling Gabaldon ng LPIS dahil sa lumang materyales na kahoy nito.

Ayon sa punong guro ng paaralan, pinipinturahan at ipinaaayos ang mga bubong ng gusaling may 10-silid aralan ngunit nananatili pa rin ang mga lumang suhay nito na gawa sa kahoy.

Nakatakdang kapanayamin nina Cabigon ang punong guro at iba pang mga saksi upang matukoy ang eksaktong halaga ng pinsala at kung ano ang posibleng pinagmulan ng sunog.

Samantala, nananawagan ang mga guro at tauhan ng paaralan sa mga sector na maaaring tumulong sa kanila upang mapunan ang mga nawala sa LPIS.

About hataw tabloid

Check Also

NAIA Accident Driver

Sa trahedya sa NAIA
Driver ng SUV negatibo sa droga, alcohol

NEGATIBO ang lumabas na resulta nitong Martes, 6 Mayo, sa drug at alcohol test ng …

Erwin Tulfo

Erwin Tulfo, hataw sa bagong survey, nagpamalas ng matatag na voter base

ANIM na araw bago ang eleksiyon, patuloy na humahataw si Alyansa para sa Bagong Pilipinas …

050725 Hataw Frontpage

Menor de edad pinagtatrabaho sa illegal fish pen sa Sual  
2 CHINESE NATIONAL, 3 PINOY ARESTADO SA HUMAN TRAFFICKING

HATAW News Team DALAWANG Chinese national at tatlong Pinoy ang inaresto matapos iturong sangkot sa …

Makati City

Sa P240-M confidential funds ni Mayor Abby Binay vs criminality  
‘SHARP INCREASE’ SA KIDNAPPING, ROBBERY NAITALA SA MAKATI CITY

NAGKAROON ng ‘sharp increase’ o matalim na pagtaas sa insidente ng kidnapping, robbery at iba …

Money Bagman

Ransom money kay Que, dumaan sa 2 casino junket operators – PNP

TINUKOY ng Philippine National Police (PNP) ang dalawang casino junket operators na pinagdaanan ng ransom …