Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
MRT-7

Sa Bulacan
MRT-7 PLANONG ILARGA HANGGANG SA 2 BAYAN 

BUKAS ang Department of Transportation (DOTr) para i-extend ang construction ng Metro Rail Transit-7 (MRT-7) sa dalawa pang munisipalidad sa Bulacan.

Pahayag ni DOTr Undersecretary Cesar Chavez sa House Committee on Transportation, maaaring maabot ng railway ang mga bayan ng Sta. Maria at Norzagaray na parehong malaki ang populasyon.

Bilang tugon ito sa tanong ni 6th Bulacan District Representative Salvador Pleyto, Sr., kung may kapasidad ba ang gobyerno na maabot ang dalawa pang bayan sa kanyang distrito.

Ayon kay Chavez, pinaka-realistic na paraan para maisagawa ito ay ang posibilidad na i-extend ang MRT-7 mula sa San Jose del Monte hanggang Norzagaray at Sta. Maria.

Ang MRT-7 ay proyekto ng San Miguel Corporation sa ilalim ng Public-Private Partnership (PPP) na nagkakahalaga ng P77 bilyon. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …

LTFRB TNVS Car

TNVS pick-up fare, inaprobahan ng LTFRB

NAGPAPASALAMAT ang Transportation Network Vehicle Service (TNVS) Community Philippines makaraang pakinggan  ng Land Transportation Franchising …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Earl Jonathan at Anne Krystel naging ‘Anghel’ ni Sylvia 

ni Allan Sancon ISA sa mga pinakatumatak na pelikulang kasali sa 51st Metro Manila Film Festival ngayong …

BingoPlus G2E Asia PH FEAT

BingoPlus furthers Responsible Gaming and Corporate Social Responsibility Campaign at G2E Asia PH

Erick Su, Head of ArenaPlus under DigiPlus Interactive Corp. at the G2E Asia PH 2025. …