ARESTADO ang apat na pinaniniwalaang tulak ng ilegal na droga habang nasmsam mula sa kanila ang higit P80,000 halaga ng hinihinalang shabu sa ikinasang entrapment operation sa bayan ng Orani, lalawigan ng Bataan, nitong Martes ng gabi, 23 Agosto.
Sa ulat mula sa operating troops ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Bataan, nadiskubre ang isang drug den na ginagawang ‘batakan’ ng mga suspek sa Brgy. Pantalan Luma, sa nabanggit na bayan.
Kinilala ng mga awtoridad ang mga suspek na sina Joyce Karen Ramirez, 24 anyos, residente ng Brgy. Townsite, Limay; Jordan Jamandre alyas Dandan, 28 anyos; Ramil Ventura alyas Mulong, 53 anyos; Enrico Gatdula alyas Ikong, 53 anyos, pawang mga residente ng Brgy. Pantalan Luma, Orani.
Narekober ang 13 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P88,000; sari-saring drug paraphernalia; at buybust money sa operasyong isinagawa ng mga operatiba ng PDEA Bataan PO, Bataan PPO at Orani MPS.
Nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang mga nadakip na suspek. (Micka Bautista)