KAHIT nais siyang kunin ng Barangay Ginebra San Miguel, sinigurado ni Air21 head coach Franz Pumaren na gagamitin si Asi Taulava sa Express.
Nakuha ng Express ang karapatan nila kay Taulava nang itinapon nila sina Mike Cortez at James sa Meralco.
Bukod kay Taulava, nakuha rin ng Air21 si Mark Borboran mula sa Bolts.
“Definitely magagamit ko yan. Asi is exactly what we need,” ayon kay Pumaren.
“In the last few games, we were really outclassed in the middle. The advantage with Asi is he can give us size, he can intimidate other people, he can give us scoring underneath. He is the missing piece we need right now because he is so good for his size.”
Naging importante para sa Ginebra ang pagkuha nito kay Taulava lalo na wala sina Kerby Raymundo at Japeth Aguilar dahil sa kani-kanilang mga pilay.
At dahil kulang sila sa tao sa ilalim, hindi nakontrol ng Kings si Marcus Blakely kaya nagtala siya ng 30 puntos sa 89-86 na panalo ng San Mig Coffee noong Linggo.
Ngunit ayaw sabihin ni Pumaren kung ang Air21 na nga ba ang magiging huling destinasyon ni Taulava na 40 taong gulang na.
“Whether this is just his first stop or second stop, ang importante he will fill a void in our team now,” ani Pumaren. “Mahirap to look for a big guy like Asi who is available, especially after his performance in the ABL. Quality big guys are hard to find.”
Ang unang laro ni Taulava sa Air21 ay kontra sa Talk ‘n Text sa Biyernes sa PhilSports Arena sa Pasig. (James Ty III)