Thursday , June 4 2026

Doc Aragon gagawa ng local woodstock

HARD TALK
ni Pilar Mateo

ANG 4th estate.

Ito ang 4th  power which refers to the press and news media both in explicit capacity of advocacy and implicit ability to frame political issues.

Doktor ng pagmamahal ang gusto niyang ilarawan sa sarili niya. Si Doctor Michael Aragon na nagtatag ng KSMBP o Kapisanan ng Social Media Broadcaster ng Pilipinas.

May adbokasiya si Doc na nais palaganapin para sa mga tagahatid ng balita sa lahat ng platforms. 

Sabi nga nito, hindi mahal ang mangarap. Libre pa nga ito.

Kaya sinimulan ko ito noong 2017, sa panahon ng pandemya, na ipag-merge ang traditional at socmed.”

Kaya naman sinimulan pa ni Doc at kanyang mga kasama na magbigay ng libreng training sa mga barangay para sa mga komunidad na maaaring magkaroon ng mga reporter o journalists sa buong Kapuluan.

You have to train first. Kaya ang mga interesado, kapag may isang milyon ka na na nais maglabas ng katotohanan tungkol sa bansa, na makapag-report, hindi matatabunan ang papel ng 4th estate. For love of country. 

“Kaya I can talk about Inday Sara (Duterte). Her advocacy is sa clean air act.”

Nakagawa na rin ng advocacy film si Doc Aragon, ang Umbra na gawa ng isang newbie director, si Jeremiah Palad na dalawang international awards ang iniuwi sa bansa.

Plano rin ni Doc Aragon na magkaroon ng Kapihan for the press and artists na sisimulan sa Setyembre.

At para sa kanyang environmental concern gagawa siya ng local woodstock na tatawagin niyang Bamboostock sa Guimaras. 

Maganda ang mga adbokasiya ni Doc Aragon. Planting seeds. For artists. For journalists. There are more and more to come.

Remember the 4th estate. Ngayon kilala niyo na sila. Kami. Taga-walis ng mga alam niyo na.

Para sa bayan! 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …