NAIS palawakin ng mataas na kapulungan ng Kongreso ang pagbusisi sa iba pang non-governmental organizations bukod sa mga foundation na kinasasangkutan ni Janet Lim-napoles kaugnay ng kontrobersyal na multi-billion peso pork barrel funds.
Ito ay matapos umalma ang opposition senators kung bakit ang walong NGOs lamang na sangkot kay Napoles ang binubusisi ng Senate blue ribbon committee at paulit-ulit na nakakaladkad ang kanilang mga pangalan, samantala nabunyag sa COA report na may 74 pang NGOs ang kwestyonable na pinaglaanan ng pork barrel funds.
Ayon kay Sen. Chiz Escudero, inaasahan niyang ipatatawag na rin ng komite na pinamumunuan ni Sen. Teofisto Guingona III, ang iba pang NGOs na nabunyag na sabit din sa anomalya.
(NIÑO ACLAN)