Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Katips R-16 MTRCB

Katips R-16 ng MTRCB

HARD TALK
ni Pilar Mateo

R-16 ang iginawad na rating ng MTRCB sa ipalalabas at tatapat na pelikula  sa Maid in Malacañang na Katips na idinirehe at ginampanan ng theater actor na si Atty. Vince Tañada.

Kaya nga nagdesisyon si Vince na ipalabas na ito ngayon eh dahil sa layunin pa rin ng pelikulang ibahagi ang naging karanasan ng mga gaya niya sa panahon at ilalim ng Martial Law.

Ito raw eh, personal niyang journey sa nasabing panahon.

Matagal nang ginawa ni Vince ang Katips. Na isang musical. At ngayon ay nasalin na niya sa pelikula.

Inilabas nila ito commercially sa sinehan pero dahil sa pandemya ay natigil agad.

At ngayong bukas na naman ang mga sinehan, nakita ni Vince ang pagkakataon, hindi para lang salungatin ang gusto namang ipahayag ng pelikula ni Darryl Yap sa Viva Films.

Naisip din namin ng mga kasama ko sa Philstagers na baka ito rin ang hinihintay na pagkakataon para makita na rin ng sambayanan ang isang mukha ng katotohanan. At ibinigay na rin ng pagkakataon na manomina ang ‘Katips’ sa FAMAS sa 17 kategorya ng nasabing samahang nagbibigay ng parangal.”

Sa August 3, ibibida ni Atty. Vince, kasama ang mga aktor ng pelikula at entablado ang isang istoryang hindi na mabubura sa mga nangyari rin sa maraming tao sa minamahal nilang bansa. 

Nagsiganap din dito sina Jerome Ponce, Mon Confiado, Nicole Laurel, Adelle Ibarrientos, Johnrey Rivas, Joshua Bulot, Lou Veloso, Dexter Doria, Dindo Arroyo, Joshua Bulot, Vean Olmedo, Patricia Ismael, Afi Africa, Chris Lin, at Philippine Stagers Foundation Ensemble.

Pahayag pa nga naging Palanca Awardee na na si Vince, sa pakikipag-head on niya sa istorya ng last 72 hours ng First Family noon sa Malacañang, “Ito 2021 pa, ginawa na namin. Kaya sabi ko, good timing ang dumating ngayon para ito maipalabas. We are head to head kasi, this is about the truth. Nobody can ever invalidate my personal experience as a victim of Martial Law.” 

Panoorin nang mas lalong may maintindihan at matutunan!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …