Friday , November 15 2024
Sipat Mat Vicencio

Tibay ni Carding

SIPAT
ni Mat Vicencio

SA GITNA ng nagsasalimbayang unos at maladelubyong sitwasyon sa loob ng Malacañang, kampante, walang katinag-tinag at walang kakaba-kaba na magagalaw o masisibak sa kanyang puwesto si Carding.

Kahit pa walang tigil ang sikuhan ng mga ‘naghaharing uri’ sa loob ng Palasyo, tuloy-tuloy lang ang trabaho ni Carding. Hindi niya pinapansin ang intriga at mukhang mananahimik na lamang para hindi mapagbalingan ng mga siga na nakapalibot kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

At sino ba naman ang hindi masisindak sa grupong nakabakod kay Bongbong? Pangalan pa lang, bahag-buntot na ang sino man, at kailangan hindi humarahara at baka masagasaan at mapisak sa loob ng Malacañang.

Sa ngayon, sinasabing tatlong bloke ng mga bastonero ang mahigpit na nagbabantay sa Palasyo. Ang una ay grupo ni Executive Secretary Vic Rodriguez kasama sina Special Assistant to the President Ernesto “Anton” Lagdameo, Jr., at si DILG Secretary Benhur Abalos.

Pangalawa ay grupo ng pinsan ni Bongbong na si incoming House Speaker Martin Romualdez at ang pangatlo, siyempre pa, ang pinakamakapangyarihan sa lahat, at nag-iisang reyna, si First Lady Liza Araneta Marcos.

Sila ang kasalukuyang nagbabantay at naghahari sa Malacañang at sinasabing mahigpit na sumasala sa mga taong gustong makapasok at manilbihan sa bagong administrasyon ni Bongbong.

Kung minsan, sila rin ang ang nagbibigay ng suhestiyon kay Bongbong kung sino ang dapat kunin o italaga para pamunuan ang isang departamento at iba pang tanggapan ng gobyerno.

Pero hindi pa man din nag-iinit sa kanyang puwesto, kaliwa’t kanang gulo at intriga ang hinarap ni Bongbong at kadalasan siya ang binabagsakan ng sisi dahil na rin sa kapalpakan ng mga nakapalibot sa kanya.

Simula sa kontrobersiya ng negosyanteng si Christopher Pastrana na pinanumpa bilang General Manager ng Philippine Ports Authority o PPA hanggang kay Raphael Lotilla ng Department of Energy o DOE, mahaba pa ang listahan ng mga appointees na sinasabing may mga sabit at tiyak na magdudulot ng sakit ng ulo sa kasalukuyang administrasyon.

At gaano katotoong medyo napikon na si repapips Anton at kinompronta si Vic sa isyu ni Pastrana? Nagalit na rin ba si Liza dahil sa palpak na mga inilalagay sa puwesto kaya naiipit ang kanyang asawang si Bongbong?

Kaya nga, marami talagang bilib kay Carding. Iwas-pusoy, hindi pumapapel at baka masilip pa ang atraso niya sa isang malaking religious group at pakikipag-away sa original na reyna ng Malacañang.

Payo lang kay Carding… ingat nang mabuti dahil hindi ka nakasisiguro at baka biglang bumalikwas at balikan ka ni Babajie!

About Mat Vicencio

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …