Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ava Mendez

Ava Mendez, sunod-sunod ang projects sa Vivamax

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

HUMAHATAW ang showbiz career ng sexy actress na si Ava Mendez. Sunod-sunod ang projects niya ngayon sa Vivamax.

Bukod sa Ang Babaeng Nawawala sa Sarili na mapapanood na sa July 15, 2022 sa Vivamax, ang ilan pa sa projects ni Ava ay ang Purificacion, Do You Think I’m Sexy, at Itago Sa Dilim.

Gaano siya katapang pagdating sa pagpapa-sexy sa pelikula?

Esplika ni Ava, “When it comes to pa-sexy, wala naman akong limitations… depende po kasi minsan sa script and choreography ng direktor. Like example, kapag erotic scene, minsan kasi need doon ay raw. So kailangan na ma-execute siya nang tama at maging maganda ang cinematography niya.

“And good thing din na wala akong BF, para hindi ako mahirapan sa mga sexy scene.”

Tampok sa Ang Babaeng Nawawala sa Sarili sina Ayanna Misola, Diego Loyzaga, Adrian Alandy, Mon Confiado, Carlene Aguilar, Allan Paule, at iba pa, sa direksiyon ni Roman Perez Jr.

Ano ang role niya rito at gaano siya ka-sexy sa pelikulang ito? Saad ni Ava, “Katulad ng sinabi ni Direk Roman sa zoom presscon, less po ang sexy scene ko rito sa Ang Babaeng Nawawala sa Sarili, kasi mas nag-focus kami sa acting.

“Ang role ko po sa movie ay si Olivia, ang dating kasambahay na namamasukan sa pamilya ni Albina (Ayanna).”

Ang Ang Babaeng Nawawala sa Sarili ay unang kinabaliwan sa Hiwaga Komiks. Binigyang buhay ito sa pelikula ng premyadong aktres na si Dina Bonnevie noong 1989. Ngayong 2022, si Albina ay gagampanan ng Vivamax A-lister na si Ayanna, sa reimagining ng Ang Babaeng Nawawala sa Sarili.

Habang pinapangarap ni Albina na maging modelo, pinagnanasahan naman siya ng tatlong lalaki. Sa piling nila, mahahanap niya ang kakaibang ligaya. Ngunit bakit tila mawawala rin siya sa sarili?

Mapapanood na sa July 15 sa Vivamax!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …