Wednesday , May 7 2025

Disqualification ng SC inismol ni Erap Estrada

Hindi nababahala si  Manila Mayor Joseph Estrada sa umano’y ilalabas na disqualification  ng  Korte Suprema laban sa kanya  kaugnay ng kanyang pagtakbo noon bilang   alkalde ng lungsod.

Nakalaban ni  Estrada  si Manila Mayor Alfredo Lim at nanaig sa botong 343,993 kompara kay Lim na may botong 308,544.

Ayon sa  Media Information Bureau ni Estrada, ipinagkibit balikat lamang ni Estrada ang tsismis dahil malinaw umanong naibalik ang civil at political rights ni  Estrada nang mabigyan ng pardon.

Bagama’t kaliwa’t kanan ang mga disqualification cases laban kay Estrada, naninindgan pa rin umano na ang  kanyang pagkapanalo ay indikasyon na may tiwala sa kanya ang  mga  Manilenyo.

Matatandaan na mismo ang  Commission on Elections ang  nagbasura sa disqualification  case na inihain ng kampo ni Lim kung kaya na-aprubahan ang pagtakbo ni Estrada noong May 2013  local elections.

Kahapon ay ibinaba ng SC ang  desisyon hinggil sa DQ ni Estrada.

(LEONARD BASILIO)

About hataw tabloid

Check Also

NAIA Accident Driver

Sa trahedya sa NAIA
Driver ng SUV negatibo sa droga, alcohol

NEGATIBO ang lumabas na resulta nitong Martes, 6 Mayo, sa drug at alcohol test ng …

Erwin Tulfo

Erwin Tulfo, hataw sa bagong survey, nagpamalas ng matatag na voter base

ANIM na araw bago ang eleksiyon, patuloy na humahataw si Alyansa para sa Bagong Pilipinas …

050725 Hataw Frontpage

Menor de edad pinagtatrabaho sa illegal fish pen sa Sual  
2 CHINESE NATIONAL, 3 PINOY ARESTADO SA HUMAN TRAFFICKING

HATAW News Team DALAWANG Chinese national at tatlong Pinoy ang inaresto matapos iturong sangkot sa …

Makati City

Sa P240-M confidential funds ni Mayor Abby Binay vs criminality  
‘SHARP INCREASE’ SA KIDNAPPING, ROBBERY NAITALA SA MAKATI CITY

NAGKAROON ng ‘sharp increase’ o matalim na pagtaas sa insidente ng kidnapping, robbery at iba …

Money Bagman

Ransom money kay Que, dumaan sa 2 casino junket operators – PNP

TINUKOY ng Philippine National Police (PNP) ang dalawang casino junket operators na pinagdaanan ng ransom …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *