Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
FIBA Asia U16 Division B

Syria giba sa Gilas sa FIBA Asia U16 Division B

MANILA, Philippines—Nananatiling walang talo ang Gilas Pilipinas Women  nang paluhurin nila ang Syria 92-86 sa pagpapatuloy ng 2022 FIBA Under-16 Women’s Asian Championship Division B nung Sabado sa Prince Hamza Hall sa Amman, Jordan.

Pinanungahan ni Yumul ang atake ng kababaihang Gilas nang tumikada ito ng 33 puntos, na may shooting na 9-of-14 sa tres, para ilista ng mga batang manlalaro ang ikalawang panalo sa Group A.  Una nilang tinibag ang Indonesia 104-68 nung Biyernes.

Lumobo ang kalamangan ng Gilas sa nalalabing limang minuto 82-71.  Pero nagpakawala ng paghahabol ang Syria para itabla ang iskor sa 82 sa nalalabing 2:34.

Pero naging steady ang opensa ng Team Philippines na hindi nataranta at winasak ni Gabby Ramos ang remate ng Syria  nang pumukol siya ng triple para tumaas muli ang kalamangan sa apat, 88-44 sa nalalabing isang minuto.

Sinelyuhan ni Kaila Jade Oani ang kalamangan ng Gilas sa isang kumpletong steal at sinundan iyon ng jump shot ni Ramos para tumaas pa ang kalamangan, 90-84.

Si Ramos ay may 21 puntos, 14 rebounds, four steals at two block shots.    Nag-ambag si Natalie Panganiban ng 13 puntos, 8 assists, 6 rebounds.

PHILIPPINES 92 — Yumul 33, Ramos 21, Panganiban 13, Medina 7, Oani 7, Nolasco 6, Patricio 2, Fajardo 2, Lopez 1, Elson 0, Nair 0, Villarin 0.

SYRIA 86 — Backour 28, Alahmar 20, Almohammad 13, Khreim 6, Kurdi 5, Kanaan 4, Doubal 4, Jamsakian 2, Agha 2, Mardou 2, Aldada 2.

Quarters: 26-19, 47-31, 73-63, 92-86.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

UAAP DLSU NU

DLSU panalo sa NU

TINALO ng De La Salle University ang may twice-to-beat advantage na National University, 87-77, nitong …

Bambol Tolentino Alexandra Eala Bryan Bagunas

Eala, Bagunas napiling flag bearer ng Team PH sa 33rd SEA Games sa Bangkok

IPINAHAYAG ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagpili sa dalawa sa …

ArenaPlus Gilas Pilipinas

ArenaPlus and Gilas Pilipinas team up for the upcoming FIBA World Cup Asian Qualifiers

ArenaPlus renews its sponsorship with Gilas Pilipinas, ahead of the 2027 FIBA World Cup as …

FIFA Futsal Womens

Nangungunang Brazil Makakaharap ang Asian Champion na Japan sa Pag-init ng Futsal Quarterfinals

MGA LARO NGAYON(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – PORTUGAL VS ITALY8:30 P.M. – BRAZIL VS JAPAN MAKAKAHARAP …

Criss Cross King Crunchers

King Crunchers, Sinungkit ang Kasaysayan! Dinurog ang Japan sa Epikong Limang-Set para sa Spikers’ Turf Title

SA WAKAS, nakamit ng Criss Cross ang matagal nang inaasam na korona sa Spikers’ Turf—hindi …