HARD TALK
ni Pilar Mateo
CLASS starts on June 18, 2022. Sa TV5.
Ito na nga ‘yung palabas na 30 trainees ang haharap sa tatlong batikang mentors para alamin at makita, hindi lang ang potensiyal nila sa pinapasok na mundo, kundi kung hanggang saan ang kakayanin nila to give their best with the craft they will be presenting to the world.
Dubbed as the newest, biggest, most advanced and most interactive P-Pop talent reality competition in the Philippines-the whole cast of Top Class: Rise to P-Pop Stardom was presented to the media at the Glorietta Activity Center Sunday afternoon.
The hot of the show is Miss Universe Catriona Gray with co-hosts Albie Casiño and Yukii Takhashi and the mentors are KZ Tandingan (vocal mentor), Brian Puspos (dance mentor) ang Shanti Dope (rap mentor).
Sinusundan ang latest happenings ng trainees sa Facebook, Instagram, Twitter sa @ropclassofc, sa Tiktok naman @topclassofficial, Top Class sa YouTube at topclass sa KUMU. At nasusubaybayan din araw-araw sa @topclassdaily.
Powerhouses ang partners ng Top Class sa KUMU, TV5, Cignal Entertainment, at Cornerstone Entertainment.
Nakausap namin ang vocal coach o teacher ng 30 trainees that afternoon.
Isang buong klase ang hawak ni KZ para makita at makilala kung ano ang mayroon sa bawat estudyante niya in as far as singing is concerned.
“But along with that comes other things as well. The attitude. ‘Yung passion. Nagsimula pa lang ang klase so at this point, hindi pa ako makapagbibigay talaga ng masasabi kong outstanding. But definitely, so far about 70% ang singers.
“I was mentored. So, alam ko rin what it takes to be one in a process na I can say na more than challenging. Kasi, ito buong klase, 30 sila. All I am expecting from them is to give their 200%. More than a thousand ang pinagpilian sa kanila.”
Aminado si KZ, na sa ngayon, apektado ang domestic life nila ng kanyang mister.
“In a good way. Kasi dahil we’re both in the same field, nagkakaintindihan kami sa mga requirement ng buhay namin doing these things. But when we do get to have that time to be together to bond, siyempre give it our all na kami riyan.”
Hindi na namin ikinompara pa ang takbo ng relasyon nina KZ at kabiyak ng puso niya sa ibang may pinagdadaanang hamon sa mga pagsasama nila. At hindi naman siya sasawsaw sa buhay ng iba.
All we know is that when it comes to life’s lessons, in life and love, nasa top of their class na si KZ and her beloved TJ Monterde.
Rolling in the deep. And rising above the rest na ang winners na mag-asawa.
Don’t be absent sa class. And for KUMU followers, pick na your bet sa 30 trainees na kinabibilangan nina Dean Villareal, E L Mendoza, Lex Reyes, Harvey Castro, Kim Huat Ng, Justine Castillon; Joshuel Fajardo, Gilly Guzman, Kenzo Bautista, Seb Herrera, Dencer Dalman, Francis Lim; Tanner Jude, Matt Cruz Clyde Garcia, Jon Laureles, Trick Santos, Jascel Valencia; Timothy Tiu, Brian Zamora, Jeff Cabrera, Chase Peralta, Jai Gonzales, Roj Concepcion; Dave Bono, Ash Rivera, JC Dacillo, Gab Salvador, Niko Badayos, atRZ Condor. Ang mapipili sa June 24, 2022 na may pinaka-maraming boto sa KUMU ang siyang mabibigyan ng Immunity sa mga susunod na challenges.
Sa state-of-the-art campus ng National University sa Laguna ang dormitoryo na tinitirhan nila sa kasalukuyan.
Sa nasabing launch, pinasaya ng performances ng G22 at VXON ang P-Pop fans.
It was such a Top Class Grand Mediacon! Na handa na to “Stan Up” and make P-Pop History!