NAGPATULOY ang pananalasa ni Filipino International Master Oliver Dimakiling sa Grand Copthorne Professor Lim Kok Ann Invitational GM Tournament 2022 na ginaganap sa Grand Copthorne Waterfront, Singapore.
Matapos talunin sina Vietnamese Grandmaster Nguyen Anh Dung sa first round at Singaporean Woman Grandmaster Gong Qianyun sa second round ay nailista ni Davao City native Dimakiling ang ikatlong sunod na panalo laban kay Australian International Master IM James Morris sa third round nitong Martes.
Nagpakitang gilas din si GM Tin Jingyao ng Singapore matapos gibain ang kanyang kababayan na si IM Jagadeesh Siddharth tungo sa total to 3.0 points para makatabla kay Dimakiling.
Makakalaban ni Dimakiling si Tin Jingyao sa fourth round sa Miyerkules.
Ang Dubai based Dimakiling ay nangangailangan ng isa pang norm tungo sa GM title na marami nang taon niyang inaasam.