Monday , May 5 2025
Vivian Velez Liza Diño FDCP PeliKULAYa

Vivian inirekomendang ibigay ang MMFF sa FDCP

HARD TALK
ni Pilar Mateo

NANGGULAT ang presence ni FAP (Film Academy of the Philippines) Director na si Vivian Velez sa Grand Launch  ng PeliKULAYa International ng FDCP (Film Development Council of the Philippines) ni Chair Liza Diño Seguerra.

Ang tanong ng marami, why was VV there?

Na sinagot din naman ni VV na, hindi nga raw talaga nawawala ang intriga kahit na saan. At kaya naman siya nasa nasabing event ay  para nga sumuporta sa mga proyekto ng FDCP this Pride Month.

Paglilinaw nga ni VV, madalas naman na sila nagkakasama ni Chair Liza sa maraning Board Meetings at mas marami pa silang pagsasamahan at pagtutulungan.

Miscommunication lang naman daw ang mga nangyari sa kanila noon. 

But now we’re okay.  Nagkakaisa. For the sake of the industry. My contribution to this event, as part of the Council, we bring into the table concepts, ideas, na pwedeng pagtulungan. 

“I think, dapat nga na ang MMFF (Metro Manila Film Festival) ay sa FDCP na ibigay. Dahil sa FDCP, alam na alam na nina Chair Liza kung paanong gawin ito. Nasa mandato naman ‘yan,” dagdag pa ng aktres.

Para naman kay Chair Liza, kung suporta ng gobyerno ang pag-uusapan, sa termino ng Pangulong Rodrigo Roa Duterte ay hindi naman nahirapan ang ahensiya sa mga pagkakataong kinailangan na lapitan ito. 

Pantay-Pantay, Iba’t Ibang Kulay ang tema ngayon ng mga pelikulang matutunghayan sa nasabing selebrasyon ng LGBTQIA+ Film Festival. 

Kasabay na rin sa pagdiriwang ng ika-20 taong anibersaryo ng FDCP, nakipagdiwang din sa Amrak Comedy Bar ang mga kinatawan ng partner embassies na sasama rin sa pagsusulong ng nasabing festival. Nagmula sila sa British Council, Embassies of Sweden, Denmark, Chile, Spain, Canada, Mexico, US, Instituto de Cervantes, at Korean Cultural Center. 

Magsisimula ang festival sa Hunyo 10 sa Cinematheque Center sa Maynila na ang Lingua Franca ni Isabel Sandoval ang mapanonood, 7:00 p.m..

At ang magiging closing film nito sa June 25, 2022 naman ay ang Boys Don’t Cry (co-presented by the US Embassy) sa nasabi ring venue.

In between those dates, sari-saring pelikula ang matutunghayan sa Cinema ’76 sa Anonas. Pati na sa Metropolitan Theater at Gateway.

Bisitahin ang website ng FDCP para sa mga oras, venue, at araw ng pagpapalabas ng mga pelikula, na free and paid screenings. Sa www.facebook.com/fdcp.pelikulayawww.twitter.com/pelikulayafest at www.instagram.com/pelikulayafest.

It’s the Pride Month! 

Let’s have a happy one and enjoy all these 50 and more films as we celebrate the achievements and support thencauses of the members of the community,” pagtatapos ng FDCP Chair and CEO Liza. 

About Pilar Mateo

Check Also

3RDEY3 AI

Prediction ng AI: Abby Binay, puwedeng malaglag sa Magic 12

KUNG pagbabatayan ang pag-aanalisa ng artificial intelligence ng 3RDEY3 (@3RD_AI_) na naka-post sa X, may …

Arnold Vegafria David Licauco

Manager ni David Licauco may calling magsilbi sa mga taga-Olongapo

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MATAGUMPAY na talent manager si Arnold Vegafria pero alam niyang hindi lamang sa …

Zsa Zsa Padilla Through The Years

Zsa Zsa napahanga sa kanyang robotic surgery

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TWO years ago pa pala ang 40th anniversary ng Divine Diva …

Comelec Vote Buying

2 kapitan umangal sa vote buying vs Cong sa Aklan

IBINULGAR ng dalawang barangay chairman na nagsampa ng disqualification case laban kay Aklan 2nd District …

Move it

TWG sa Move It: Itigil operasyon sa Cebu at CdO

PINATAWAN ng Motorcycle Taxi Technical Working Group (MC Taxi TWG) ng parusa ang Move It …