IPINATAWAG ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang mga producer ng dalawang programang pang-tanghali ng GMA 7 dahil sa sinasabing “child-unfriendly scenes.”
Sa kanilang Twitter account, inianunsyo ng MTRCB ang pagpapa-tawag sa mga producer ng “Eat Bulaga” at pre-programming na “The Ryzza Mae Show.”
Napuna ng ahensya ang July 29, 2013 episode ng Eat Bulaga dahil sa insidente ng pagbuga ng juice ng isa sa mga host sa mukha ng child actress-host.
Habang sa August 14, 2013 episode ay sinabihan si Ryzza ng isang guest ng “landing bata ka.”
Para sa MTRCB, nalabag dito ang dignidad ng 8-anyos na si Dizon.
Kabilang sa pinada-dalo sa mandatory conference ngayong araw ang producers ng palabas na TAPE Inc. at ang pamunuan ng GMA 7.
Ipinaalala naman ng MTRCB sa media na dapat pangalagaan ang kapakanan ng mga bata.
(HNT)