Thursday , December 19 2024
Naoya Inoue Nonito Donaire

Inoue kompiyansang mananalo laban kay Donaire sa kanilang rematch

TIWALA  si WBA at IBF bantamweight champion Naoya ‘Monster’ Inoue (22-0, 19 KOs) na ang kanyang lakas ay mararamdaman ni WBC 118-pound champion Nonito ‘The Filipino Flash’ Donaire (42-6, 28 KOs)  sa kanilang rematch sa Super Arena sa Saitama, Japan sa June 7.

Matatandaan na ang kanilang unang sagupaan noong Nobyembre 2019 ay dineklarang Fight of the Year ng Ring Magazine na napanalunan ng 28-year-old Japanese superstar via unanimous decision. 

Sa nasabing laban, bumagsak si Donaire, 39, sa tinamong liver shot sa 11th round pero mas grabe ang ipinalasap niyang ganti kay Inoue na kung saan ay binasag niya ang orbital bone nito.

“I’m very much motivated to display my improved real power to Donaire,” sabi ni Inoue. “Whatever strategy he may select and show, I’ll cope with him with no problem since I’m in great shape.

“Last time I had a grueling fight with him, but this time it won’t become like that. I’ll be convincingly victorious without fail.”

Nasungkit ni Donaire ang unang world title noong 2007 nang pabagsakin niya si IBF flyweight champion Vic Darchinyan sa 5th round sa pamamagitan ng kanyang makamandag na left hook.

Pagkaraan ng 14 taon ay nasungkit naman niya ang WBC bantamweight belt laban sa walang talong Frenchman na si Nordine Oubaali sa 4th round.

Matagumpay na naipagtanggol ni Donaire ang kanyang korona laban sa walang talong si Reymart Gaballo nung Disyembre via 4th round knockout.

“Our first fight was brutal and amazing, it was a classic, but the rematch is going to be even better,” sabi ni Donaire.

“I am heading into this monumental fight with a new mindset, because the first contest with Inoue was an awakening for me and I now know I can defeat him.

“I am incredibly grateful for the work of Richard and Probellum in helping to make this fight a reality because it is not only the fight I wanted, but the one the world wanted as well.

“June 7, in Japan, is going to be a special evening for the sport and make no mistake, it will end in a Donaire victory.”

About hataw tabloid

Check Also

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

MULING isinalba ni Jamesray Mishael Ajido ang kampanya ng Team Philippines sa nasukbit na gintong …

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

FINAL Standing             Gold             Silver         Bronze      Total Philippines-A                   30                   37            32              99 Malaysia –  B                   17                   …

Manny Pacquiao Dubai Sports Council

Sa kolaborasyon ng PH at UAE
Pambansang Kamao Manny Pacquiao, Dubai Sports Council nagpulong para sa oportunidad ng sports development 

NAKIPAGPULONG si Pambansang Kamao at dating Senador Manny Pacquiao sa mga opisyal ng Dubai Sports …

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

TUMULAK patungong Thaiand ang binuong delegasyon ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) na sasabak sa apat …

Quendy Fernandez Swim BIMP-EAGA

Fernandez, bagong sirena ng aquatics sa BIMP-EAGA

Puerto Princesa City – Humakot ng tatlong ginto si Quendy Fernandez para pangunahan ang arangkada …