Wednesday , August 13 2025
Michael Jako Oboza Concio Jr Chess
MATAMANG pinag-iisipan ni Filipino International Master Michael "Jako" Oboza Concio Jr. ang next move.

IM Concio naghari sa Hanoi IM chess tournament 2022

Pinagharian ni Filipino International Master (IM) Michael “Jako” Oboza Concio Jr. ang katatapos na Hanoi IM chess tournament 2022  na ginanap sa Hanoi Old Quarter Cultural Exchange Center sa Hanoi, Vietnam nung Linggo.

Si Concio na tubong Dasmarinas City ay  nasa ilalim ng kandili ni Rep. Elpidio “Pidi” Barzaga Jr. ay nakalikom ng seven points mula sa limang panalo  at 4 na  draws para magkampeon sa single round robin FIDE standard tournament.

“I would like to dedicate my victory to my countrymen. It’s an honor to represent our country,” sabi ni Concio na 11th grader sa Dasmarinas Integrated High School na nagdiwang ng kanyang 17th birthday kahapon.

“Congratulations and Happy Birthday  Bunso (Michael “Jako” Oboza Concio Jr! I know Tatay  Michael Concio is very happy in Heaven,”  pahayag ni Michella Oboza Concio , nakatatanda niyang kapatid.

Naikadama ni Concio  ang importanteng panalo kontra sa kababayang si FM Roel Abelgas sa second round, Nguyen Phuoc Tam ng Vietnam sa third round, IM Mikhail Vasilyev ng Ukraine sa fifth round, Saurabh Anand ng India sa seventh round at Pham Xuan Dat ng Vietnam sa eight round.

Tabla siya kay GM Bui Vinh ng Vietnam sa first round, IM Vo Thanh Ninh ng Vietnam sa fourth round at CM Arfan Aditya Bagus ng Indonesia sa ninth at final round.

Si Concio ay nagkampeon din  sa 1st Relampagos FIDE Chess Cup na ginanap sa Panabo Chess Park, Panabo City sa Davao Del Norte nitong Abril 24, 2022.

Marlon Bernardino –

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Tristan Jared Cervero

Tristan Jared Cervero wagi sa paligsahang Xiangqi sa PH

NAGWAGI Si Tristan Jared Cervero sa Group B o kategoryang All Filipino sa 19th Thousand …

Ivan Travis Cu Chess

FM Ivan Travis Cu, nanguna sa Blitz sa 9th Eastern Youth Chess Champs

IPINAMALAS ng sumisikat na Filipino chess star na si FIDE Master (FM) Ivan Travis Cu …

V League

V-League Collegiate Challenge ngayong Sabado na

Ynares Sports Arena, Pasig 10 a.m. – NU vs Arellano (Men) 12 p.m. – UST …

Manila Marathon Rio Dela Cruz Andrew Neri

Manila Marathon, aarangkada sa Linggo

MALUGOD na inihayag ni international marathoner Rio Dela Cruz president at CEO ng Run Rio …

Antonia Lucia Raffaele Zoe Lim Philippine Artistic Swimming Team

Sa Hong Kong Open
Philippine Artistic Swimming Team, nakasungkit ng 3 bronze medals

PATULOY ang pag-igting ng koponan ng artistic swimming ng Filipinas sa pandaigdigang entablado, matapos nilang …