Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Marian Rivera Rhea Tan Beautederm

Rei to Marian — tunay na kaibigan, sobrang love niya ako

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

TUNAY na kaibigan kung ilarawan ng CEO at President ng Beautederm na si Rei Anicoche Tan si Marian Rivera. Kaya naman apat na taon na ang kanilang mag-BFF at business partners para sa Beautederm Corporation.

Noong May 24 muling pumirma ng kontrata si Marian bilang nag-iisang brand ambassador ng Beautederm Home.

“Marian is like a sister to me, and I am a very proud ate. And we are family, and family is all about love. It evolves, it transitions into something better,” anang negosyante at philantropist. 

“Ngayon, hindi ko naman ine-expect na magiging ganoon ‘yung friendship namin. Sobrang na-appreciate ko si Yan-yan. Kasi, hindi lang siya super-big star, pero ‘pag mas nakilala mo siya, napakabuti niyang tao.

“And ano, talagang love na love ko siya. Kasi, ‘pag nagtatampo ako, sine-send ko talaga sa kanya. ‘Nagtatampo ako sa ‘yo!’ Di ba, ganoon? ‘Pag mahal mo ‘yung tao, sasabihin mo ‘yung nararamdaman mo, hindi ka nakikipag-plastikan because you wanna save the friendship.

“And I appreciate her so much. Kasi, bina-value niya hindi lang ‘yung as client relationship pero naramdaman ko na kahit hindi ako kasing-yaman ng mga ine-endorse niya, sobrang love niya ako. Na alam mo ‘yun, na hindi ‘yun mabibili ng kahit na anong pera,” giit pa ni Rei.

“At napakatotoo niyang friend. Siya ‘yung tipo ng friend na napaka-loyal. Ipaglalaban ka niya, ganoon siyang klaseng tao,” giit pa ni Rei.

“Kami ni Ate Rhea, hindi kami instant na naging close, eh. Kumbaga, gradual na nangyari ‘yan. Dahil siguro palagi kaming nag-uusap.

“Noong una, panay product lang. Pero after niyon, iba-iba na ang pinag-uusapan namin. About shopping na, about family na. So lumalim nang lumalim.

“At saka siguro bilang tao, alam mo naman, mararamdaman mo naman kung sincere ‘yung tao sa inyo, kung concerned sa inyo. So, naramdaman ko lahat kay Ate Rhea ‘yun.

“Kaya siguro hindi naging mahirap para sa amin ‘yung magkalapit ang loob namin hanggang ngayon,” sabi pa ng misis ni Dingdong.

Samantala, sa mahigit 70 celebrity endorsers ng Beautederm, espesyal pa rin  si Marian, “Sabi ko nga, mawala na ang lahat huwag lang si Marian. Alam mo kasi na parang siya lang ang nakatatak sa akin. ‘Pag wala si Marian ang laging tanong sa akin, ‘Asan na si Marian, wala siya?’

“Lahat ng bagay kay Marian, magaan. Walang problema. At saka sagot niya ako sa kanyang management. Kaya na-appreciate ko po yun,” giit pa ni Ms. Rei. (MVN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …