KINASASABIKAN na ng racing aficionados ang paglarga ng 2022 Gran Copa De Manila na itatakbo sa pista ng San Lazaro Leisure & Business Park sa Carmona Cavite sa Hunyo 24, 2022.
Inaasahan ng mga karerista na magiging maganda ang mga line-up na ihahatag sa araw na iyon ng Linggo tulad ng nakagawian na sa pagdaraos ng Gran Copa De Manila.
Eligible na lumahok sa nasabing taunang stakes race ang mga kabayong may edad na apat na taon at dito sa bansa ipinanganak at nakatakbo na sa lokal na karera.
Kung may pito hanggang pataas na entries na lalahok sa Gran Copa De Manila Cup, ang papremyong P1M ay paghahatian ng mga sumusunod: 1st 60%, 2nd 20%, 3rd 10%, at 4th 5%, 5th 3%, at 6th 2%. Samantalang kung ang mga lalahok ay mababa sa pito, ay paghahatian lang ang papremyo ng mga kabayong darating sa meta hanggang sa pang-apat.