Friday , November 15 2024
knife saksak

Kelot na nanaksak ng trike driver, binaril ng pulis

DEDBOL ang isang lalaking nag-amok at nanaksak ng isang tricycle driver matapos barilin ng isang bagitong pulis nitong Sabado ng umaga, 21 Mayo, sa bayan ng San Pascual, lalawigan ng Batangas.

Kinilala ang suspek na si Rolly Axalan, 45 anyos, residente sa nabanggit na bayan, habang ang nagrespondeng pulis ay kinilalang si Pat. Jonathan Wee Bacroya ng San Pascual MPS.

Sa salaysay ng biktimang si Ambrocio Axalan, tricycle driver, residente rin sa naturang bayan, bumaba siya sa kaniyang tricycle dakong 8:35 am kamakalawa nang dumating ang suspek na may dalang kutsilyo.

Pinigilan at hinarang umano ang suspek na naging sanhi ng kanilang mainitang pagtatalo saka nagwala at ilang beses sinaksak sa kanyang kaliwang binti.

Nasaksihan ito ni Bacroya, sakay ng kanyang motorsiklo patungo sa estasyon ng pulisya para sa kanyang opisyal na duty, at nagtangkang awatin at makipagnegosasyon sa suspek ngunit hindi siya pinansin at patuloy sa pagsaksak sa biktima.

Dito, napilitang paputukan ni Bacroya ng kanyang baril ang suspek na tinamaan sa kanyang kaliwang dibdib.

Agad dinala ang suspek sa Bauan Doctor’s Hospital kung saan siya idineklarang dead on arrival.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …