KINANSELA ang exhibition fight ni Floyd Mayweather Jr. kay Don Moore na mangyayari sana kahapon sa Burj Al Arab hotel helipad sa Dubai.
Hindi natuloy ang nasabing laban dahil sa pagkamatay ni United Arab Emirates president Sheikh Khalifa bin Zayed Al Nahyan. Maraming sikat na personalidad ang nagbigay ng respeto sa pagkamatay ng hari isa na roon si Mayweather at Conor McGregor.
Matatandaan na limang taon na ang nakararaan nang talunin ni Floyd si McGregor nung 2017. At ang event sana na mangyayari nitong linggo ay una sa anim na events na feature si Mayweather sa ilalim ng Global Titans Fight Series na nakansela nga. Kasali rin si Anderson Silva sa card para sa Global Titans kontra kay Bruno Machado sa co-main event sa gabing iyon.
Handang-handa na sana ang nasabing exhibition match na magiging hosts ang malalaking pangalan tulad ni Roger Federer at Andre Agassi maging sina golf superstar Tiger Woods. Magiging added attraction pa sa nasabing event ang pagpapakita ng sparring session ni boxer Anthony Joshua.
“There’s no more real fights for me,” pahayag ng 45-year-old Floyd kay Lance Pugmire ng The Athletic. “Only exhibitions.”
Nagpahatid ng mensahe ang International Boxing Hall of Famer sa naging kamatayan ni Sheikh Khalifa sa kanyang Instagram post.
“Sending my condolences to the entire UAE,” pahayag ni Mayweather..