PINURI ni Kickboxing ng Pilipinas (SKP) President Senator Francis “Tol” Tolentino ang national team bago bumalik sila sa Manila kahapon. Dala nila sa bansa ang two gold, four silver, at two bronze medals mula sa 31st Southeast Asian Games sa Vietnam.
“We salute their discipline that led to their success. It was satisfying and their training was really effective, they were really focused and disciplined,” sabi ni Tolentino. “That’s why the Samahang Kickboxing ng Pilipinas is very elated with the result.”
Sina Jean Claude Saclag (men’s 63.5 kgs low kick) at si Gina Iniong Araos (women’s 60 kgs low kick) ay nanalo ng gintong medalya na itinuturing ni Tolentino na dahil sa dedikasyon at disiplina ng atleta sa naging high-altitude training sa Mountain Province ng ilang buwan bago pa ang Games.
Sina Claudine Veloso, Gretel de Paz, Zephanya Ngaya at Renalyn Daquel ay nakasungkit ng silver medals, samantalang sina Honorio Banario and Emmanuel Cantores ay tumangay ng bronze bawat isa.
Ibinulsa ni Veloso ang silver sa women’s low kick 52 kgs, si De Paz ay sa women’s full contact 56 kgs, si Ngaya ay sa women’s full contact 65 kgs at Daquel sa women’s full contact 48 kgs.
Magpapaiwan si Saclag sa Vietnam para suportahan ang kampanya ni Iniong at Ngaya sa Vovinam.