Friday , November 15 2024
knife saksak

Tutol sa relasyon ng magdyowang 17-anyos
INA SINAKSAK, NILASLAS SA DIBDIB NG ANAK AT NOBYO

PATAY ang isang 44-anyos ina na sinaksak at nilaslas sa dibdib at sa braso ng 17-anyos anak na babae at kaedad na nobyo, sa loob mismo ng kaniyang bahay sa Brgy. Robles, bayan ng La Castellana, lalawigan ng Negros Occidental, nitong Martes, 10 Mayo.

Ayon kay P/Capt. Rhojn Darell Nigos, hepe ng La Castellana MPS, namatay ang 44-anyos biktimang kinilalang si Tessie Esparagoza dahil sa dalawang saksak ng kutsilyo sa dibdib at braso. Bukod sa saksak, nilaslas din ang dibdib biktima.

Dagdag ni Nigos, nakarinig ang mga kapitbahay ng ingay mula sa tahanan ng biktima ngunit hindi nila ito pinansin dahil kasama ng biktima ang kaniyang matandang ina at mga anak.

Narekober ng mga tauhan ng pulisya ang isang kutsilyo sa pinangyarihan ng krimen.

Sa ulat ng pulisya, natutulog ang biktima nang papasukin ng kaniyang 17-anyos anak na babae ang nobyo nang gabing naganap ang krimen.

Dagdag ni Nigos, nadakip ang anak ng biktima sa kanilang bahay na nahuling nililinis ang crime scene.

               Nauna umanong itinanggi ng anak ang kanyang kaugnayan sa krimen ngunit nakakita ng lead ang mga pulis nang makitang nakasulat ang pangalan ng kaniyang nobyo sa kaniyang wristband.

Mula rito, pinuntahan ng mga pulis ang bahay ng kaniyang nobyo saka siya inaresto.

Umamin kalaunan ang magkasintahan sa krimen na sinabing nagalit sila sa bitkima dahil sa pagtutol sa kanilang relasyon.

Sinuri nina Nigos ang mga social media account ng magkasintahan at nadiskubre ang palitan nila ng mensahe tungkol sa pagpaplano ng gagawing krimen kabilang kung aling bahagi ng katawan ng biktima ang kanilang dapat tamaan.

Sinampahan ng kasong parricide ang anak ng biktima habang kasong murder ang nakatakdang isampa laban sa kanyang kasintahan.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …