Monday , December 23 2024
Gun Fire

Sa General Tinio, Nueva Ecija
24 SANGKOT SA BARILAN ISINAILALIM SA INQUEST

ISINAILALIM nitong Miyerkoles, 11 Mayo, ng Philippine National Police (PNP) sa inquest proceedings ang 24 indibidwal na sangkot sa shootout, isang araw bago ang halalan sa Purok Gulod, Brgy. Concepcion, sa bayan ng General Tinio, lalawigan ng Nueva Ecija.

Batay sa paunang ulat mula sa PRO3 PNP, ang mga naaresto ay pawang mga security personnel ng dalawang magkatunggali sa pagka-alkalde sa General Tinio, pangalawa sa pinakamalaking munisipalidad sa lalawigan.

Nabatid, lima sa mga indibiduwal ay security personnel ni mayoral candidate Virgilio Bote, habang 19 sa mga naaresto ang tauhan ni incumbent Mayor Isidro Pajarillaga. 

Nahaharap sa patong-patong na kasong frustrated murder, gun ban violation, at paglabag sa firearms and ammunition regulation act ang mga sangkot sa insidente.

Bisperas ng halalan, 8 Mayo, nang abutan ng mga tauhan ng PNP na tadtad ng tama ng bala ang dalawang sasakyan ng magkabilang panig kaya pinag-aaresto ang mga sangkot sa barilan.

Nakompiska sa mga tauhan ni Bote ang isang 12-gauge shotgun at caliber .45 pistol, habang nasabat sa tauhan ni Pajarillaga ang mga sumusunod: limang M16 rifles, 11 caliber .45 pistols, tatlong 9mm pistols, isang caliber .40 pistol, isang 12-gauge shotgun, mga bala, at election paraphernalia.

Samantala, lumabas sa resulta ng halalan na mananatiling alkalde ng General Tinio si Pajarillaga, matapos malamangan ng higit 1,200 boto si Bote.

Napag-alamang matagal nang mainit ang politika sa nasabing bayan at maaalalang noong Hulyo 2018 tinambangan ng hindi kilalang suspek ang dating alkalde na si Ferdinand Bote habang siya ay nasa National Irrigation Administration (NIA) office sa lungsod ng Cabanatuan. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …