Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Willy Sy-Alvarado, Daniel Fernando
Willy Sy-Alvarado, Daniel Fernando

Alvarado pinadapa
FERNANDO MULING UUPO SA KAPITOLYO NG BULACAN

NAKAHANDA na si incumbent Governor Daniel Fernando na muling maupo sa Kapitolyo ng Bulacan batay sa partial at unofficial results ng May 9 elections na inilabas nitong Lunes, 10 Mayo 2022.

Kumandidato si Fernando sa ilalim ng National Unity Party (NUP) at nakakuha ng botong 967,798 hanggang 8:47 am kahapon sa halos 98 porsiyento ng election returns na naipadala mula sa iba’t ibang bayan at lungsod sa lalawigan.

Samantala, nakakuha si incumbent Vice Governor Wilhelmino Sy-Alvarado, tumakbo sa ilalim ng ruling PDP Laban party ng botong 571,935, habang ang tatlo pang kandidato sa gubernatorial race ay may botong mas mababa sa 23,000 bawat isa.

Gayondin, nanguna ang running mate ni Fernando na si provincial board member at dating aktor  na si Alex Castro sa vice gubernatorial race sa botong 742,216, samantala, nakakuha si Jonjon Mendoza ng PDP Laban ng botong 609,816.

Si Fernando na dati rin aktor ay sinuportahan ang presidential bid ni Vice President Leni Robredo.

Sa kabila ng endorsement ni Fernando, si dating Senator Ferdinand Marcos, Jr., ang nakakuha ng pinakamaraming boto sa mga presidential aspirants sa Bulacan sa botong 1,016,388 samantala nakakuha si Vice Presidente Leni Robredo ng 490,860 boto.

Noong 2016 vice presidential race, nakakuha si Robredo ng 366,000 boto sa Bulacan kompara sa 556,000 boto ng kanyang mahigpit na katunggaling si Marcos.

Ang Bulacan ay sinasabing vote-rich province, na mayroong 2,007,523 rehistradong botante ayon sa datos mula sa Commission on Elections (COMELEC). (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …