Saturday , July 26 2025
Canelo Alvarez Dmitry Bivol

Canelo gusto ng rematch kay Bivol

HUMIHINGI ng rematch si Saul  ‘Canelo’ Alvarez kay Dmitry Bivol pagkaraang talunin siya nito sa naging bakbakan nila para sa WBA light heavyweight title nung nakaraang Linggo sa T-Mobile Arena sa Las Vegas, Nevada.

Ang nasabing hamon ay ipinahayag niya sa naging post fight interview.  “Of course I do. This doesn’t end like this.”

Inulit niya ang hamon sa Twitter at nagpost siya ng hamon.   “We will fight again and we will win again.”

Hindi tinatanggap ni Canelo ang naging pagkatalo niya kay Bivol nung Linggo sa Las Vegas dahil naniniwala siya na lamang siya sa puntos nang magtaps ang laban.

Pero pinabulaanan ng tatlong hurado  sa naging laban nila at ibinigay nila ang unamous decision kay Bivol.   Pare-pareho ang iskor nila na 115-113 pabor sa Russian boxer para ipalasap kay Canelo ang ikalawang pagkatalo sa makulay niyang career.  Ang una niyang pagkatalo ay sa kamay ni Floyd Mayweather Jr.

Inaaasahan naman ng mga fans ni Canelo mangyayariu ang Part 2 ng laban dahil ang kontrata nila sa unang laban ay naglalaman ng rematch clause.

Sa isa pang ipinost ni Canelo sa Spanish na isinalin sa English:  “Boxing is like that. Sometimes you win and sometimes you lose, but always with your head held high.

“I stay with the great fight that we offered to the people. We will fight again and we will win again.”

Positibo naman ang naging tugon ni Bivol sa paghahamon ni Canelo.  “A rematch? No problem. Let’s talk about a rematch,” sabi niya.

“I took this fight because I just wanted the opportunity and I appreciate the opportunity. I am ready for the rematch, I just want to make sure I win and am treated like a champion now.”

Dahil sa parehong aminado sa isang rematch ang dalawang fighters,  excited ang promoter ni Bivol na si Andrey Ryabinskiy ay agad na nagpa-interbyu ito sa Sky Sports: 

“I’d say the preparation process will take at least from four to five months.

“And the place for the fight is still to be decided, but most likely it will be in USA.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Karl Eldrew Yulo Cynthia Carrion

Karl Eldrew Yulo, Positibong Tatapatan ang Presyon sa World Juniors sa Maynila

BAGAMAT aminado sa presyon ng pagiging host country, nananatiling positibo si Karl Eldrew Yulo na …

LRTA FIVB Mens World Championship

LRTA, mas pinalakas ang kampanya para sa FIVB Men’s World Championship

LUBOS na ang pagpapaigting ng kampanya para sa pagho-host ng Pilipinas ng 2025 FIVB Volleyball …

PH Blu Girls WBSC Womens Softball Asia Cup 2025

PH Blu Girls tinambakan SoKor sa China  
7-0 sa WBSC Women’s Softball Asia Cup

NAGPAKITA ng mahusay na laro ang Philippine Blu Girls sa WBSC Women’s Softball Asia Cup …

Eric Singson Tats Suzara ANV PNVF

Candon, PNVF, pinapahalagahan ang ‘volleyball tourism’

DAHIL sa tagumpay ng kasalukuyang 2025 Southeast Asian Volleyball League, hindi na nag-aksaya ng oras …

PSC PSTC

IRR para sa Philippine Sports Training Center Act, inaprubahan ng Lupon ng PSC

INAPRUBAHAN ng Philippine Sports Commission (PSC) ang Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Philippine Sports …