Friday , July 25 2025
Vietnam SEA Games

Hanoi SEA Games
SEA GAMES TEAM ROSTER NG TEAM PH NAKOMPLETO NA

HANOI—Nakompleto  ng Team Philippines ang  fighting roster para sa 31st Southeast Asian Games  pagkatapos ng ‘delegation registration’  meetings na inorganisa ng host nation.

Inireport  ni Commissioner  Ramon Fernandez ng Philippine Sports Commission,  na siyang tumatayong chef de mission ng bansa na ang akreditasyon ng lahat ng 981-strong delegation kasama ang 641 Filipino Athletes mula 38 sports ay naayos na.

Si Fernandez ay inasistihan ng kanyang deputy chefs de mission na sina Pearl Managuelod  at Carl Sambrano sa pagkuha ng identification cards bago ang opening ceremony  na piniprepara ng host Vietnam sa May 12.

“We have to make sure that everything will be in order before our athletes compete for medals. There should be no distractions as they focus on their respective events,’’ sabi ni Fernandez.

 May total na 318 officials at 18 support staff ang aalalay sa ating mga atleta, na ang partisipasyon at preparasyon ay pinondohan ng PSC, ang government arm sa sports, sa tunog na P232 million.

Ang Philippine kickboxing team ay magsisimula sa kanilang misyon para sa hinahangad na medalya na ang apat na kickboxers ay makikipaglaban sa bronze medals sa opening quarterfinal bouts.

Sa paunang laban para sa diving competition nung Linggo, pumang-apat si Ariana Drake, at kulelat sa women’s 1-meters springboard ng diving.  Ganun pa man, ang kanyang performance ay isang banta para sa future Southeast Asian Games.

Sa edad na 17 at first-timer sa SEA Games,  nasubok agad ang kalidad ni  Drake laban sa mga batikang divers tulad nina Nur Dhabitah Sabri at Kimberly Bong Quian na tumapos ng 1-2 sa event, para ilista ng Malaysia ang unang dalawang medals sa Games na pormal pang  bubuksan sa Huwebes.

Pumasok din sa medal tally board ang Vietnam sa nakuhang bronze medal ni Ngo Phuong Mai sa nasabing event na ginanap sa My Dinh Aquatics Center sa Hanoi.

Sasalang uli si Drake sa women’s 3-meter springboard sa Martes. 

.

Samantala,  itinala naman ng Philippine beach handball team ang ikalawang sunod na panalo laban sa Singapore, 22-19, 22-16, sa Tuan Chau Island sa Quang Ninh Province, Vietnam nung Linggo.

Ang  ikalawa nilang panalo ay karugtong ng una nilang upset win versus  Thailand (18-16, 18-16), na siyang silver medal sa 2019 Philippines Games sa likod ng Vietnam.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Karl Eldrew Yulo Cynthia Carrion

Karl Eldrew Yulo, Positibong Tatapatan ang Presyon sa World Juniors sa Maynila

BAGAMAT aminado sa presyon ng pagiging host country, nananatiling positibo si Karl Eldrew Yulo na …

LRTA FIVB Mens World Championship

LRTA, mas pinalakas ang kampanya para sa FIVB Men’s World Championship

LUBOS na ang pagpapaigting ng kampanya para sa pagho-host ng Pilipinas ng 2025 FIVB Volleyball …

PH Blu Girls WBSC Womens Softball Asia Cup 2025

PH Blu Girls tinambakan SoKor sa China  
7-0 sa WBSC Women’s Softball Asia Cup

NAGPAKITA ng mahusay na laro ang Philippine Blu Girls sa WBSC Women’s Softball Asia Cup …

Eric Singson Tats Suzara ANV PNVF

Candon, PNVF, pinapahalagahan ang ‘volleyball tourism’

DAHIL sa tagumpay ng kasalukuyang 2025 Southeast Asian Volleyball League, hindi na nag-aksaya ng oras …

PSC PSTC

IRR para sa Philippine Sports Training Center Act, inaprubahan ng Lupon ng PSC

INAPRUBAHAN ng Philippine Sports Commission (PSC) ang Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Philippine Sports …