Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Luke Michael Gebbie

PH swim team nawalan ng isang potensiyal na gold medal sa Hanoi

NAWALAN ng isang potensiyal na gold medal ang Philippine Team nang bumagsak sa RT-PCR test si Filipino-Australian swimmer Luke Michael Gebbie bago pumasok sa  Hanoi para sa 31st Southeast Asian Games.

Si Gebbie ay naging panlaban ng Philippine team sa Tokyo Olympic at naging silver medal sa men’s 4×100 meters freestyle at bronze sa 50 meters fresstyle sa nakaraang SEA Games.

Hindi man pumasa sa qualifying heats si Gebbie sa Tokyo ay binura naman niya ang Philippine record na 49.64 seconds  sa 100m freestyle.   Hawak din niya ang national record sa 50m freestyle  (22.57 seconds) at 50m butterfly (24.34 seconds) na itinala niya sa New Clark City sa 2019 SEA Games.

Tatlo pang atletang Piny sa kickboxing ang naunang na-test na positibo sa virus pero naklaro sila pagkaraang na isalang uli sila sa test sa kaagahan nung nakaraang linggo.

“Too bad he tested positive,” pahayag ni Philippine Olympic Committee President Rep. Abraham “Bambol” Tolentino nung Sabado. “That’s one less medal—a potential gold at that—in our campaign.”

 Si Gebbie ay isa sana sa 16-member aquatics team na lalaban sa Hanoi.

Gebbie was supposed to be one of the 16-member aquatics team to Hanoi.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Pinoy para athletes Asian Youth Para Games

Pinoy para athletes, hangad ang medalya sa Asian Youth Para Games

DUBAI, United Arab Emirates — Handa na sina Chester Rabanal at Christian Pepito para sa …

Cayetano SEA Games

Cayetano, todo suporta sa Philippine delegation sa 33rd SEA Games sa Thailand

PINANGUNAHAN ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano ang send-off para sa tatlong pambansang koponan …

Milette Santiago-Bonoan Mike Barredo Goody Custodio

Team Philippines Handa na sa Asian Youth Para Games sa Dubai

Dubai, UAE – Buong tiwala ang Team Philippines na mauulit o malalampasan nila ang kanilang …

POC Abraham Tolentino

Obiena at Iba Pang Atleta, Hindi Dadalo sa Opening Rites

BANGKOK – Hindi dadalo sa opening ceremonies, kabilang ang parada na pangungunahan ng two-time Olympian …

SEAG Baseball Clarance Caasalan

PH batter, winasak ang Malaysia para manatiling perpekto sa tatlong laban

PATHUM THANI, Thailand—Nagpatuloy ang Pilipinas sa kanilang panalo sa kompetisyon ng men’s baseball sa ika-33 …