IDINEKLARA ng data scientist na si Roger Do na mananalo si Vice President Leni Robredo kay Ferdinand Marcos, Jr., sa karera sa pagkapangulo.
“I am projecting the winner in the 2022 Philippines presidential election to be Leni Robredo by at least 4 percent of the total votes,” wika ni Do sa isang blog na naka-post sa Auto Politic.
Ibinatay ni Do ang kanyang prediksiyon sa social intelligence tracking na kanyang ginawa kasama ang ADDS Sentiment Analysis sa nakalipas na limang buwan.
“We have also used other social media platforms and Google to confirm the direction of the campaigns, but Facebook is the primary source of data for the final call and the precision,” paliwanag ni Do.
Batay sa bagong datos mula sa ADDS Sentiment, sinabi ni Do, nakakuha si Robredo ng pinakamataas na engagement score na 7.46 milyon mula 21 Abril hanggang 4 Mayo o 22-porsiyentong pagtaas. Malayo si Marcos na may 4.69 milyon.
Sinabi ni Do, ginagamit ang datos mula sa engagement para maunawaan ang epekto ng mensahe ng mga kandidato sa mga botante.
Matapos pumangalawa kay Marcos noong Pebrero, humataw si Robredo noong Marso, nakakuha ng 8 milyong engagement kompara sa 7.5 milyon ng katunggali.
Maliban sa prediksiyon ni Do, nakikita rin ng Google Trends ang panalo ni Robredo sa darating na halalan sa 9 Mayo matapos mapanatili ang lamang kay Marcos, Jr.
Ilang araw bago ang halalan, angat pa rin si Robredo sa Google Trends na may 55 porsiyento kompara sa 24 porsiyento ni Marcos, Jr.