Thursday , December 18 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Maricel Soriano Leni Robredo

Maricel umatend ng rally para kay VP Leni 

MA at PA
ni Rommel Placente

NOONG Sabado, April 23, ay dumalo si Maricel Soriano sa campaign rally nina Vice President Leni Robredo at Senator Kiko Pangilinan sa Diokno Boulevard, Pasay City. Ito rin ang araw ng kaarawan ni VP Leni.

Si Sharon Cuneta ang nagpakilala kay Maricel bago ito umakyat sa stage, at mahigpit ang yakap sa isa’t isa ng dating magkaribal sa popularity noong 80s nang magkita at mag-beso-beso.

Ang pagpapakilala ni Sharon kay Maricel: “Iilan lamang po ang tunay na reyna sa pelikula. Ito na po ang ating kaibigan. Kung ang tawag po sa akin ay Mega, ito naman ang aking at ating Diamond Star, Ms. Maricel Soriano!!”

Sa kanyang speech. Hinaluan ito ni Maricel ng mga linya niya mula sa kanyang dating pelikulang Kaya Kong Abutin Ang Lagit at Minsan Lang Kitang Iibigin.

Sabi ni Maricel, “Bilang babae at magulang, kaunti lang po ang pangarap ko para sa aking mga anak na alam kong pangarap niyo rin.

“‘Yung makapagtapos ng pag-aaral, mabuting trabaho, pagkain araw-araw… may huhugutin tuwing ora de peligro.

“In short, ‘yung umangat naman ang buhay dahil ayoko nang tinatapakan ako! Ayoko nang masikip! Ayoko nang mabaho! Ayaw natin ng walang pagkain! Ayaw natin ng putik!

“Ang gusto ko, liwanag sa dilim! ‘Yun ang gusto ko kaya huwag niyo akong ma-Terry Terry dahil ang gusto ko, Leni! Leni! Leni! Laban! Laban! Laban! Leni! Leni! Leni!”

Ipinagtaka naman ng mga fan at supporters ni Sharon ang hindi pagbanggit ni Maricel kay KikoPangilinan, na ka-tandem ni VP Leni. Kaya naman may ilan sa mga ito ang bi-nash ang Diamond Star.

Pero siyempre, ipinagtanggol naman si Maricel ng kanyang mga fan. Sabi ng mga ito, huwag nang gawan ng isyu ang nangyari dahil sa kanilang paniniwalang maiksi ang oras na ibinigay para sa mga celebrity campaigner kaya nakasentro lamang kay VP Leni at sa kaarawan nito ang endorsement ng mga artista.

Tama nga naman. At kaya lang naman din nandoon si Maricel ay para kay VP Leni. Nawala lang sa isip niya na iendoso si Sen.Kiko.

Huwag na sanang intrigahin si Maricel ng mga Sharonian.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …