Monday , December 23 2024
Leni Robredo Bongbong Marcos Google Trends

Robredo angat pa rin vs Marcos sa Google Trends, kahit sa ‘Solid North’

ANGAT pa rin si Vice President Leni Robredo sa kapwa kandidato sa pagkapangulo na si Ferdinand Marcos, Jr., kahit sa mga lugar sa tinatawag na Solid North, pagdating sa Google Trends, na eksaktong nasusukat ang interes ng mga botante sa isang partikular na kandidato.

Noong 1 Abril, una pa rin si Robredo kay Marcos, 51.3 kompara sa 34.3, pagdating sa overall Google Trends score, kung saan ang mga search tungkol sa Bise Presidente ay kaugnay ng kanyang mga personal na detalye, plataporma at mga programa, na nagpapakita ng malaking interes sa kanyang kandidatura.

Malaki ang naging pag-angat ni Robredo, lamang kay Marcos ng 52-51 nang magsimula ang campaign period noong 8 Pebrero. Natamo ni Robredo ang pinakamalaking kalamangan noong 21 Marso 2022 nang makakuha siya ng score na 100 kompara sa 61 ni Marcos.

Ang nakagugulat, lamang din si Robredo kay Marcos sa teritoryo ng huli sa Ilocos Region, 41-34, at sa mga lugar na kabilang sa “Solid North” gaya ng Cagayan Valley (39-31) at Cordillera Administrative Region (39-34).

Una rin si Robredo kay Marcos sa National Capital Region (42-26); Bicol Region (51-23); Western Visayas (43-26), Central Luzon (41-29); Eastern Visayas (42-29); Calabarzon (41-28); Central Visayas (41-28); Caraga (44-26); Mimaropa (40-29); Northern Mindanao (38-30); Region XII (33-31); Zamboanga Peninsula (36-34); at Davao Region (37-32).

Kompara sa survey, itinuturing ang Google Trends bilang mas eksaktong sukatan ng tinatawag na political behavior dahil ito’y pribado at ipinakikita ang totoong intensiyon ng mga botante.

Sa Estados Unidos, nahulaan ng Google Trends ang panalong kandidato sa mga nakalipas na halalan. Ipinakita ng surveys na panalo si Hillary Clinton ngunit nanalo si Donald Trump gaya ng hula ng Google Trends.

Sa katatapos na presidential election, una si Trump sa mga survey ngunit tinalo siya ni Joe Biden, na tinukoy ng Google Trends na siyang mananalo.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …