Sunday , December 22 2024

Walang lusot ang mga mambabatas sa P10-B pork scam

HINDI puwedeng itanggi ng ilang mga mambabatas na wala silang pananagutan sa nabuking na P10-B pork -barrel scam.

Dahil hindi mapasasakamay ng mga pekeng non-governmental organizations (NGOs) o foundations ang -ilang bahagi ng kanilang priority development assistance fund (PDAF), na kilala sa ‘pork barrel,’ kung hindi nila -inaprubahan ang pagbigay ng pondo rito.

Ayon sa netizens, ang kasakiman sa malaking -porsiyento (na umaabot daw ng hanggang 60 percent) na iniaalok ng NGO katulad ng pag-aari ng mastermind ng P10-B pork scam na si Janet Napoles ang talagang dahilan kung bakit -nilagakan ng bahagi ng pork ng mga senador at -kongresista ang mga pekeng foundation ni Napoles.

Ilan sa mga senador na umano’y nag-release ng kanilang pork sa foundations ni Napoles ay sina dating senate -president Juan Ponce Enrile, Jinggoy Estrada, Bong Revilla at Gringo Honasan. Matitindi ang mga nasabing senador kapag nag-iimbestiga pagdating sa isyu ng korupsyon! Kaya napakahirap paniwalaan na hindi nila batid na ang foundations na pinagbigyan nila ng bahagi ng kanilang pork ay peke. At imposible rin basta-basta sila napalusutan ng isang -Napoles lamang.

Noong una, itinanggi nina Senador Revilla at Estrada na hindi nila kilala at hindi pa nakikita ang mukha ni Janet Napoles. Pero natameme sila nang may lumabas na larawan sa internet na nakaakbay pa si Revilla kay Napoles na nasa likod naman ni Estrada.

Kinompirma na rin nila sa bandang huli ang kanilang -pirma sa pag-release ng bahagi ng kanilang pork kay Napoles pero si Enrile itinanggi niya ang pirma.

Sabi nga ng abogado ni Napoles na si Lorna Kapunan, kung kakasuhan ng plunder ang kanyang kliyente ay dapat may kasamang government officials partikular ang senador at kongresista dahil public funds ang sangkot dito.

Ayon naman sa Department of Justice, kakasuhan na nila ang mga mambabatas na sangkot sa multi-billion pork scam sa loob ng dalawang linggo.

Ipinahayag din ng Office of the Ombudsman na dapat nang kumuha ng pinakamagagaling na abogado ang mga sangkot sa  anomalya dahil wala silang sisinohin sa -imbestigasyon.

Bayan, tutukan at bantayan natin ang imbestigasyon sa pork scam na ito. Pera natin ito! Kaya dapat may mga -managot at makulong na mambabatas dito.

Sundalo umalma

sa laging pagbawas

sa kanilang cash gift

– SIR Joey, isa po akong sundalo sa Mindanao. 2 beses na po kaming binabawasan ng P5K kada December sa Xmas gift namin sa bagyong Pablo at Undoy. Bakit po sa amin kinukuha e malaki pala ang pork barrel nila pati kay PNoy? Kung sino pa ang maliit ang sahod kami pa ang bina-bawasan. May calamity fund naman. Kapal ng mukha nila. Hindi po masamang tumulong pero dapat sila ang mauna. Thanks.  – Sundalo ng Mindanao

May punto ang ating texter na sundalo. Bakit nga -naman binabawasan pa sila sa maliit nilang suweldo para itulong sa mga biktima ng kalamidad gayong mayroon naman calamity fund ang gobyerno at daan-daang milyon ang pork barrel ng mambabatas lalo na ang sa presidente ng bansa na multi-bilyong piso ang pork. Bakit nga ba, Mr. -President?

Kolektong ng Hawkers

sa Recto

– Sir Joey, dito po sa Recto, isang nagngangalang “Melan” ang gustong hawakan ang “tarya” sa Hawkers ng (Manila) City Hall. Kasi po pag ‘di kami nagbigay sa kanya pina-liligpit kami ng Hawkers. Ang lakas po niya kay Santamaria, yung boss ng Hawkers. Isang tawag lang po niya.  Iba pa po yung tiket na sinisingil nila. Grabe na po mangotong ngayon ang Hawkers. Hindi naman po ganito nung si Lim ang Mayor e. Huwag nyo nalang po ilabas ang numero ko. – Recto vendor

REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc.,  Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015

Cell: 0919-3297810 / E-mail add: [email protected]

Joey Venancio

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *