Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

434 OFWs nakauwi mula sa Ukraine

INIHAYAG ng Department of Foreign Affairs (DFA) na may kabuuang 434 overseas Filipinos mula sa Ukraine ang natulungan ng pamahalaan.

Ayon sa DFA may kabuuang 394 overseas Filipino workers (OFWs) kabilang ang mga Pinoy seaman ang naiuwi sa bansa mula sa Ukraine, habang ang natitirang 40 ay inilikas sa mga karatig bansa.
Kabilang sa mga bagong naiuwi sa Filipinas ang 30 Filipino seafarers mula sa MV Ithaca Prospect, MV Filia Joy at MV Nord Virgo kung saan lahat sila ay inilikas mula sa Ukraine patungong Moldova, Bucharest, Romania ng Philippine Honorary Consulate sa Chisinau at ng Philippine Embassy doon na lumapag sa Clark International Airport.

Pinapayohan ng DFA ang mga natitira pang Filipino sa Ukraine na patuloy na mag-ingat at manatiling mapagbantay sa lahat ng oras at agad na makipag-ugnayan sa mga Embahada ng Filipinas sa Warsaw at Budapest sakaling mangailangan sila ng tulong.

(𝙂𝙄𝙉𝘼 𝙂𝘼𝙍𝘾𝙄𝘼)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Richard Gomez Lino Cayetano Elijah Canlas

Richard Gomez pinuri ni direk Lino: he elevates everyone sa performance niya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “NAPAKAGALING ni Richard Gomez.” Ito ang tinuran ni direk Lino Cayetano nang makahuntahan namin …

Zela

Zela acting ang unang love 

I-FLEXni Jun Nardo AKTING ang unang gusto ng baguhang singer na si Zela. Eh nang masubukan …

Judy Ann Santos

Judy Ann naisalba ng mga ipong alahas

RATED Rni Rommel Gonzales NOONG mga panahong hindi pa siya sikat at hindi pa kumikita …

Cristine Reyes Marco Gumabao

Marco perfect boyfriend para kay Cristine

HINDI nakaligtas sina Cristine Reyes at Marco Gumabao na umamin at mabuking ukol sa kanilang lovelife nang sumalang sila …

Sa Ilocos Sur: 4 tauhan ng kandidato patay sa pamamaril

NAPASLANG ang apat na tauhan ng isang kandidato matapos makipagbarilan sa kampo ng kalaban sa …