Marco perfect boyfriend para kay Cristine
HINDI nakaligtas sina Cristine Reyes at Marco Gumabao na umamin at mabuking ukol sa kanilang lovelife nang sumalang sila sa YouTube vlog ni Bea Alonzo kamakailan.
Sa pakikipaghuntahan nina Cristine ay Marco kay Bea, nalaman naming mas bata pala sa kanya ang aktor.
Si Cristine ay 34 taong gulang na (na hindi halata sa hitsura) at si Marco ay 28 taong gulang pa lamang.
Nasabi kasi ni Cristine na first time niyang magkaroon ng karelasyong mas bata sa kanya.
At kahit six years ang agwat ng edad nila ng binata ay mature naman ang pag-iisip nito at mga pananaw sa buhay na isa sa mga nagustuhan niyang quality ng aktor.
Ani Cristine, perfect boyfriend sa kanya si Marco.
βParang perfect boyfriend ito, eh. Kasi si Marco, naiintindihan niya lahat. Parang hindi ako makapaniwala at his age.
βSuper cute talaga. Tisoy, type ko, pero bagets. So ako, hindi ko na pinag-aksayahan ng panahon. Talagang ang cute niya, bye!β pag-amin ni AA (tawag kay Cristine).
Pagbabahagi ni Cristine, nagsimulang makaramdam siya ng kakaiba kay Marco nang magpunta sila sa Ilocos at mag-lock-in shoot para sa pelikulang Martyr or Murderer.
βMay mga ipina-plant siyang seeds through the years. Lagi lang kaming nagtatagpo, like random places, family affairs, friends affairs, showbiz affairs.
βSo, ang daming chance talaga na lagi kaming nagtatagpo. Pero late last year, Jake Cuenca, kaming tatlo, bonding kami (sa gym). Until si Jake, nag-lock-in sa Cebu.
βKaming dalawa ni Marco, kami na lang βyung nag-workout. I think nagkaroon ako ng attraction kay Marco, siguro βyung Ilocos. Naka-lock-in kami roon,β kuwento ni Cristine.
Hindi naman pala ito ang unang pagkakataon na nakipag-date si Marco sa mas may edad sa kanya. Aniya, βSiguro, nasa mga two years lang (agwat ng edad), ito na βyung pinakaano naβ¦pero βyung mga five years and above, wala pa.β
At inamin ni Marco na dati na niyang crush si Cristine. Katunayan kapag natatanong siya kung sino ang female celebrity crush niya, ang palagi niyang binabanggit ay ang pangalan ni Cristine.
Hindi naman ikinaila ni Cristine na masaya siya ngayon sa piling ni Marco, βAko, Iβm happy with our relationship. Kasi wala tayong inagrabiyado and alam mo βyon, doon magpo-flow βyung blessing ni God.β
Nagpakilig pa ang dalawa nang si Marco mismo ang nagtanong kay Cristine ng, βDo you see me as someone you will spend the rest of your life with?β Na sinagot ng aktres ng, βPuwede, yes.β
