Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ana Jalandoni in Bed

Ana Jalandoni pinagbantaan daw na papatayin ni Kit: Akin ka lang!

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

HINDI ko pa kaya ikuwento. Nasaktan po ako. Hindi ko po kaya, pero sasabihin ko na lang po ‘yung nararamdaman ko,” garalgal naumpisani Ana Jalandoni nang matanong kung paano ang nangyaring pananakit sa kanya ng boyfriend/aktor na si Kit Thompson noong Lunes sa isang press conference.

Masakit po ‘yung pinagdaanan ko dahil hindi ko po ‘yun nakita, hindi ko inaasahan ‘yung ginawa sa akin ng minahal ko. Wala pong babae na gustong masaktan tulad ng dinanas ko,” tila pagsusumbong ni Ana habang tuloy-tuloy ang pagtulo ng luha.

“Marami po akong pinagdaanan sa buhay, lahat po ‘yun nalagpasan ko. Pero ‘yung nangyari sa kanya, hindi ko po alam kung kakayanin ko. Hirap po ‘yung isip ko, hirap po ‘yung puso ko dahil nasaktan po ako nang lubusan,”  giit pa ng sexy aktres.

Ayon sa kuwento ni Ana noong gabing nagtungo sila sa isang hotel ni Kit sa Tagaytay noong March 17, napag-usapan nila ng aktor ang ukol sa pagpapakasal.

“Gustong-gusto niya raw po akong pakasalan. Sabi niya, mahal na mahal niya ako, ganyan. Tapos ganoon din naman po ako sa kanya.

“May pina-delete akong mga picture namin sa social media, naging okay naman po ang usapan namin. Tapos ang sunod na tanong niya sa akin tungkol sa ex ko. Sabi niya, ‘Iniwan mo ‘ yung ex mo, ‘di ba? Hiniwalayan mo siya.’ Sabi ko, ‘Oo, ang tagal na noon, 2018 pa ‘yan. Alam mo kung ano ang nangyari, kung bakit.’

“Sabi niya, ‘Ako pag iniwan mo, papatayin kita. Akin ka lang. Hindi ka puwedeng mapunta sa iba, akin ka lang.’ Tapos sinagot ko iyon ng Mahal kita, hindi kita iiwan.”

Pagkarana ng ilang sandali lumabas si Ana sa kuwarto para humanap ng signal. Kailangan kasi niyang makausap ang isang kaibigan pero dahil nakainom na sila ni Kit, nakatulog si Ana sa labas.

Sumunod niyon ay binuhat siya ng binata pabalik sa kanilang hotel at doon na siya nasaktan ng aktor.  “Akala niya raw iniwan ko siya. Paghiga niya sa akin sa bed, sinampal niya ako, na-shock ako.’

“Ang perception ko lang, akala niya iiwan ko siya dahil ginawa ko sa ex ko.

“Wala po akong ibang karelasyon, wala pong third party. Mayroon po siyang isang pinagseselosan which is ‘yung ex ko po,” paglilinaw ni Ana bilang sagot na rin sa mga maling balitang lumalabas.

Hindi naman itinanggi ni Ana na mahal pa rin niya si Kit. “Mahal ko pa rin siya, hindi naman ganoon kadali mawala.”

Sa kabilang banda iginiit ni Ana at ng kanyang pamilya na itutuloy nila ang demanda laban kay Kit na nahaharap ngayon sa paglabag sa Section 5 ng Republic Act 9262 o Anti-Violence Against Women and Children Act.

“Siyempre, hindi ko deserve ‘yung nangyari sa akin. Hindi ko pa po iniisip kung babalikan ko. Ang iniisip ko ay ‘yung karapatan ko bilang babae na hindi katanggap-tangap ‘yung nangyari sa akin. Pero ‘yung love po, nandoon pa rin siya,” sambit pa ni Ana.

Bukas ang aming pahayagan sa side ni Kit laban sa mga isiniwalat na ito ni Ana.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Gerald Anderson

Gerald umamin may mga pagkukulang kay Julia kaya naghiwalay

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAHANGA-HANGA ang ginawang pag-amin ni Gerald Anderson na may pagkukulang siya kay Julia Barretto kaya …

Jessy Mendiola Luis Manzano

Luis at Jessy puno ng pasasalamat ngayong 2025 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MATAPOS ang isang matagumpay na taon para kina Jessy Mendiola at Luis Manzano, nagpasalamat …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …