Saturday , November 16 2024
Gun Fire

Suspek na bumaril sa Grade-12 student nasakote sa Kankaloo

BINARIL hanggang mapatay ang isang 20-anyos Grade 12 student noong Linggo ng madaling araw sa Caloocan City.

Sa ginawang follow-up operation ng pulisya sa Valenzuela City, kahapon ng madaling araw, agad naaresto ang suspek na kinilalang si Mark Roland Abrazaldo, 19 anyos, residente sa D. Arellano St., Brgy. 133, Bagong Barrio ng nasabing lungsod.

Ayon kay Caloocan City police chief P/Col. Samuel Mina, nadakip ng mga tauhan ng Bagong Barrio Police Sub-Station sa pangunguna ni P/Lt. Julius Villafuerte ang suspek dakong 2:00 am sa Phoenix gas station NLEX Service Road, Brgy. Paso De Blas, Valenzuela City.

Hindi narekober ng pulisya sa suspek ang baril na ginamit sa pagpatay kay Angelo Catalan, 20 anyos, ng Kagitingan Alley, Bagong Barrio, ngunit, ang berde at dilaw na hiphop na suot niya nang mangyari ang krimen ay nakuha sa kanya.

Sinabi ni Mina, ilang mga saksi ang nakakita sa biktima na hinahabol ni Abrazaldo at kanyang hindi kilalang kasama dakong 1:30 am sa Sigarillas Alley, Brgy. 133 at nang makorner ay binaril si Catalan nang malapitan sa ulo.

Matapos ang insidente, mabilis na tumakas ang mga suspek patungong Bitsuellas Alley habang isinugod ng nagrespondeng mga tauhan ng Bagong Barrio Police Sub-Station ang biktima sa pinakamalapit na hospital ngunit idineklarang dead upon arrival.

Sa kasakuluyan, inaalam ng pulisya ang motibo sa insidente habang patuloy ang follow-up operation para sa agarang pagkakaaresto sa kasama ng suspek. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …