Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Christopher de Leon Jake Cuenca Zsa Zsa Padilla Arjo Atayde

Boyet, Jake makakasama ni Arjo sa Cattleya Killer 

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

BIGATIN ang makakasama ni Arjo Atayde sa pagbibidahan niyang international project ng ABS-CBN, ang Cattleya Killer.

Makakasama ng 2020 Asian Academy Creative Awards Best Actor na ipalalabas sa international market sina Christopher de Leon, Jake Cuenca, Jane Oineza, Ricky Davao, Nonie Buencamino, Ria Atayde, Ketchup Eusebio, Frances Makil, Rafa Siguion-Reyna, Jojit Lorenzo, at Zsa Zsa Padilla. 

Kaya naman sobra ang saya ni Arjo nang malaman kung sino-sino ang makakasama niya.  

Aniya, “It’s such a beautiful cast. I’m so happy to see everyone on board. I don’t need to explain further, but I’m just excited. Remember that I’m just one of the actors for this series and we’re going to do this together.”  

Ngayong Pebrero na magsisimula ang taping ng Cattleya Killer na ididirehe ni Dan Villegas at isinulat ni Dodo Dayao. Si Direk Ruel Bayani ang executive producer nitong seryeng ipalalabas sa international audiences .

Nakikipagsanib-puwersa rin ang ABS-CBN sa iba’t ibang partners para mas makilala pa ang mga kuwentong Filipino at talento sa buong mundo. Sumunod ang Cattleya Killer sa Almost Paradise, ang unang American TV series na kinunan sa Pilipinas. Isa itong co-production ng ABS-CBN sa Electric Entertainment mula sa Hollywood.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …