Monday , May 6 2024
Wilbert Ross Boy Bastos

Wilbert Ross sumabak na rin sa paghuhubad

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

HINDI nagdalawang-isip si Wilbert Ross na tanggapin ang Boy Bastos ng Viva Films kahit may matitinding hubaran at lovescene siya sa pelikulang ito na pinagbibidahan din nina Rose Van Ginkel, Jela Cuenca, Andrew Muhlach, Bob Jbeili, at Rob Guinto.

Ani Wilbert, tinanggap niya ang project dahil nagustuhan niya ang kanyang karakter bilang si Felix Bacat Cabahug.

Inamin din niya na game na game siyang sumabak sa hubaran at pakikipag-love scene.

Noong nabasa ko ‘yung script, tinanggap ko ng buo ang karakter ni Felix Bacat kasi alam kong maganda ang project.

“Kinabahan ako sa mga sex scene bilang Felix at bilang Wilbert. Parang kinakabahan ang karakter ni Felix, kinakabahan din si Wilbert.

Sinabi pa ng Kapamilya actor-singer at songwriter na magpapakita siya ng kung ano-anong bagay.

Pero satisfied ako sa ginawa ko. Wala akong regrets dahil alam kong kailangan siya sa eksena.

“‘Yung mga nakitang paghuhubad, may purpose kung bakit ko ginawa, so walang reason para tanggihan ko ang ‘Boy Bastos,’” katwiran pa ni Wilbert na idinirehe ni Victor Villanueva ang pelikula at mapapanood na sa February 18.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Bea Alonzo Cristy Fermin Ogie Diaz

Bea Alonzo naghain ng kasong cyber libel vs Cristy Fermin, Ogie Diaz

SINAMPAHAN ng tatlong magkahiwalay na cyber libel sa Quezon City Prosecutor’s Office ni Bea Alonzo …

050324 Hataw Frontpage

Cedric Lee, Deniece Cornejo, 2 pa
RECLUSION PERPETUA IPINATAW vs KIDNAPPERS NG ACTOR/HOST

(ni NIÑO ACLAN) PINATAWAN ng parusang reclusion perpetua o  habangbuhay na pagkabilanggo sina Cedric Lee, …

InnerVoices

InnerVoices lucky year ang 2024, wagi sa 14th Star Awards for Music

MAITUTURING na lucky year para sa grupong InnerVoices ang taong 2024, dahil bukod sa dami ng kanilang …

Bini Dagupan Bangus Festival

BINI show sa Dagupan marami ang nahimatay?

MATABILni John Fontanilla LIBO-LIBONG tao ang nanood ng show ng pinakasikat na all female group …

Kathryn Bernardo Alden Richards  Queen of Tears

Alden at Kathryn wagi sa poll para gumanap sa Pinoy adaptation ng Queen of Tears

MA at PAni Rommel Placente PINAG-UUSAPAN  ngayon lalo na sa social media ang K-Drama na Queen …