Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Mike Defensor

City of Stars itutuloy ni Defensor (‘pag nahalal na mayor ng QC)

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

ITUTULOY ni Cong. Mike Defensor ang matagal ng plano ng namayapang Master Showman Kuya German Moreno na maging City of Stars ang Quezon City kapag nahalal siyang mayor ng nasabing lungsod sa Mayo.

Giit ni Defensor, alam niyang malaking pakinabang ito sa mga mamamayan ng QC kaya hinihiling din niya ang tulong ng entertaiment press kung sakali dahil kapos siya sa kaalaman dito.

Bukod sa City of Stars, hangad din niyang mag-develop pa ng commercial centers sa Cubao, Eastwood, Timog, Quezon Avenue, at Parks & Wildlife.

Samantala, hindi pala pabor ang anak niyang babae na tumakbo siyang mayor ng QC. Mas gusto raw nitong manatili siyang Congressman at asikasuhin na lang ang kanilang mga negosyo.

Pero aniya, nakita niya ang mga dapat ayusin sa Quezon City lalo na ngayong panahon ng pandemya.

At sa kanyang pagtakbo bilang QC mayor sinabi niyang gagawin niya ang kanyang makakaya para pababain ang Covid cases. Aayusin din niya ang tamang pamamahagi ng ayuda na marami ang hindi nakatatanggap.

Sinabi pa ni Defensor na may mga iminungkahi siyang ilang proyekto kay Mayor Joy Belmonte pero hindi ito pinansin.

Sakaling manalo siya sa pagka-mayor ng QC tututukan niya ang hanapbuhay, edukasyon, at ayuda na dapat ay para sa lahat at hindi sa iilan lamang.

Sa kabilang banda, naikuwento ni Defensor na marami siyang natanggap na mura at pamba-bash nang mapagdesisyonan sa Kamara na isa siya sa bumoto, na ‘di na bigyan ng prangkisa ang ABS-CBN.

Esplika ng kongresista, ginampanan lang niya ang kanyang trabaho. At kung sakaling hingan siya ng tulong ng estasyon, handa naman siyang magbigay ng tumulong.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Goitia PCG PH Army

Goitia: Ang Pag-atake sa Escoda Shoal ay Maaaring Ituring na Deklarasyon ng Digmaan

Sinasadyang Karahasan sa Kabuhayan ng Pilipino Ang pagkasugat ng tatlong mangingisdang Pilipino at pagkasira ng …

DOST Region 02 Upskills ST Pen Videography to Boost Scicomm

DOST Region 02 Upskills S&T Pen Videography to Boost Scicomm

The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 strengthened its science communication initiatives as …

PTFOMS Recto

Recto: Human security must be central to national security

Executive Secretary Ralph G. Recto has underscored that human security must be central to the …

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …

Nartatez PNP

PNP sa Ilalim ni Chief Nartatez: Disiplina, Aksyon, at Kongkretong Resulta

Sa larangan ng pagpapatupad ng batas, hindi nasusukat ang pamumuno sa dami ng sinasabi o …