Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Rita Martinez Jake Zyrus

Rita ayaw gayahin si Jake — I don’t dream of changing anything in my body

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

AND speaking of Rita Martinez, iginiit niyang wala siyang balak ipabago sa kanyang katawan.

Nasabi ito ni Rita sa virtual media conference ng pelikula nila ni Rhen Escano, ang Lulu ng Viva Films kahapon  kung gusto ba niyang gayahin ang ginawa ni  na may ipinabago sa ilang bahagi ng katawan.

Just to be clear, I respect the people who like Jake Zyrus na gawin iyong desisyon na iyon kasi I guess masaya sila na nahanap nila ang talagang happiness nila.

“Well hindi naman po, very happy naman ako sa aking biological  stand and ‘yun lang naman and my only reference is that. But I don’t dream of changing anything in my body,” pagkaklaro ni Rita. 

Si Rita ay baguhang aktres na unang nakita sa The Voice Philippines season 2 semifinalist, LGBTQIA+ advocate.

Ang Lulu ayon kay direk Sigrid Andrea P. Bernardo ay isag romantic comedy, at hindi heavy drama na nakasanayan ng marami pagdating sa lesbian love stories.  

Aniya, “I wanted Lulu to be light. I want to focus doon sa individual struggles nila and love is secondary.  And it will come naturally. Of course, we will tackle ’yong mga issues pero very, very subtle. It’s more of parang every-day life ng lesbian community.”  

Sa pamamagitan ng seryeng ito, gusto ni direk na makita ng mga tao na hindi lang puro issues ang mga tomboy, “masayahin din sila.”

Mapapanood na ang Lulu sa January 23. Para mapanood ang Lulu, mag-subscribe sa Vivamax sa web.vivamax.net. Maaari ring mai-download ang app at mag-subscribe sa Google Play Store, Huawei App Gallery at App Store.

Watch all you can na sa halagang P149 kada buwan o P399 para sa tatlong buwan para sulit na sulit.  Meron pang hot price na P29 lamang at may 3-day access na sa Vivamax.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …

MMFF MMDA

MMDA pumagitna pagdaraos ng advance screening ng 8 entries

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman ang naging solusyon ng MMDA na mangialam sa pagdaraos ng advance …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Sylvia sa I’m Perfect: Hindi namin ‘to ginawa para magpasikat

MATABILni John Fontanilla DREAM come true para sa producer ng Nathan Studios, Sylvia Sanchez na gawin ang pelikulang I’m …