Tuesday , December 24 2024
CoVid-19 Vaccine Omicron
HINIGPITAN ng mga awtoridad ang mga protocol, partikular sa mga hindi pa bakunadong indibidwal sanhi ng mabilis na paglaganap ng CoVid-19 sa gitna ng posibilidad ng lokal na transmisyon ng bagong Omicron variant. (Larawan mula sa The Guardian)

Posibilidad ng local na transmisyon ng Omicron variant

MAYNILA — Kasunod ng opinyon ng isang infectious disease expert na nanini­walang mayroon nang community transmission ang Omicron severe acute respiratory syndrome-coronavirus 2 (SARS-CoV-2) variant, nanawagan sa publiko si PROMDI presidential aspirant Emmanuel “Manny” Pacquiao na manatiling kalmado ngunit maingay ukol sa ibang taong kanilang nakasasalamuha dahil maaari pa rin silang dapuan ng sakit kahit kompleto ang bakuna nila.

Batay sa payo ng mga eksperto sa kalusugan, sinang-ayunan ni Pacquiao ang opinyon ni Dr. Rontgene Solante, miyem­bro ng vaccine expert panel ng pamahalaan, na nagsabing “sa pagbibigay konsiderasyon sa kasalukuyang sitwasyon na malaking bilang ng mga tao ang nagpositibo sa maikling pana­hon, nabunsod siyang sabihin na mayroon nang community transmission ang Omicron variant.”

Habang hindi pa nagbibigay ng kompirmasyon si Solante, hepe rin ng Adult Infectious Diseases and Tropical Medicine unit ng Ospital ng San Lazaro Hospital at miyembro ng vaccine expert panel ng Department of Science and Technology (DoST), hinihintay pang pormal na ihayag ng Department of Health ang transmisyon ng bagong CoVid-19 strain sa mga komunidad.

Ngunit batay sa mga guideline ng World Health Organization (WHO), ang kalikasan ng mga impeksiyon ay kailangan munang makamit ang tatlong criteria bago ma­deklarang mayroon ngang community transmission: Dapat may malaking bilang ng mga kaso na walang kaugnayan sa mga transmission chain, may indikasyon ng pagtaas ng mga kasong nakita sa pamamagitan ng laboratory surveillance, at mga multiple unrelated cluster sa maraming lugar sa bansa.

Sa kabila nito, itinuloy ni Pacquiao ang kanyang kahili­ngan sa mamamayan at mga opisyal ng gobyerno na maging mapagmatiyag at bigyang halaga ang epekto ng krisis pang­kalusugan sa buong bansa, Lalo sa dahilang itinuturing ng mga eksperto ang Omicron variant bilang mula sa tatlo hanggang limang beses na mas nakahahawa kaysa Delta variant ng SARS-Cov-2.

Ipinaliwanag ni Solante na kung ang abilidad ng Delta na mag-transmit sa isang interaction ay nakabase sa kasalukuyang datos, indi­kasyon ito umano na kayang humawa ng Omicron ng aabot sa mahigit limang beses na bilis kaysa naunang mga variant ng Covid-19.

“Now the experts’ opinion here is that because of these heavy mutations, the Omicron variant can be three to five times as highly transmissible as that of Delta,” punto ng infectious disease expert.

Bilang reaksiyon, idiniin ni Pacquiao ang kahulugan ng paniniwala ng nasabing doktor sa sambayanang Filipino at ito ay kakailanganing batayan ang mabilis nitong pagkalat sa ating populasyon sanhi na rin ng dumaraming close contact sa iisang kaganapan o aktibidad, lalo sa mga enclosed space o saradong lugar.”

“Maaaring ito ang dahilan kung bakit napakabilis ng pag­rami ng mga bago at aktibong kaso sa mga komunidad. Nakakikita na rin tayo ng marami pang kaso sa mga healthcare facility sa kasalukuyan kaya masasabi nating mula one third hanggang sa kalahati ng ating healthcare manpower ay positibo sa CoVid-19,” pag­tatapos ng Pambansang Kamao.

About hataw tabloid

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …