Friday , November 15 2024

Ping, beterano vs magnanakaw, ibang kandidato wala pang praktis

011022 Hataw Frontpage

HATAW News Team

MAY KLARO at malinaw nang nagawa si Partido Reporma standard bearer Panfilo Lacson sa usapin ng pagbuwag ng korupsiyon, habang ang ibang kandidato ay puro pangako at salita lamang tungkol sa paraan ng paglilinis ng gobyerno.

Sa panayam sa DWIZ radio, nabanggit kay Lacson ang impresyon ng publiko na karamihan sa mga kandidato ay puro lamang pangako pero hindi naman natutupad pagdating ng takdang panahon.

“Ginagawa ko na e. [Noong] Chief PNP ako, ginawa ko na, tinigil ko ‘yung corruption sa PNP. Noong Senador ako, maski may nakakaaway ako, talagang nagbaban­tay ako ng corruption. Karamihan ng mga privilege speeches ko, mula’t sapol hindi ba tungkol sa maling paggastos ng kaban ng bayan,” maiksi at klarong tugon ni Lacson sa nabanggit na impresyon.

Ibinigay niyang ha­lim­bawa ang pangungu­na niya sa pagkalkal sa malawakang katiwalian sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth), Department of Health, at Bureau of Customs na naging daan para makasuhan ang ilang matataas na opisyal nito.

Gayonman, binanggit din niya ang malungkot na katotohanang may mga botante pang nahu­hulog sa mga hungkag na pangako ng ilang kan­didato, habang ang iba ay binabalewala na lamang ang korupsiyon sa go­byerno dahil sa nakasa­nayang kalakaran.

Kaya payo ni Lacson sa mga botante, lalo pa sa mga nagsasabing pare-pareho lang naman ang mga tumatakbo sa pag­ka­pangulo — magaling mangako pero wala na­man talagang aksiyon kapag nanalo —tingnan ang mga nagawa na ng kandidato at hindi ang mga ipinapangako pa lang.

Paliwanag ni Lacson, hindi dapat hinahayaan ng mga Filipino ang mga pagnanakaw sa kaban ng bayan.

“Kasi hindi natin sineseryoso masyado e. Para bang [sinasabi]: ‘Sige na, ganyan talaga kalaka­ran e.’ Pagka ganoon kasi ‘yung attitude, wala talaga tayong pupunta­han,” aniya.

“Sabi nga nila, kasi panahon ng kampanya, pangako rito pangako roon. Ang sagot ko naman doon ‘ang tagal ko nang ginagawa ‘yan.’ Sa tina­gal-tagal ko sa serbisyo — mula roon sa military, sa police, sa legislature — ni minsan hindi ako tumanggap ng suhol,” dagdag ni Lacson.

Nanawagan din siya sa lahat na pakinggan ang inilalatag niyang solusyon sa isyu ng ‘pagnanakaw sa gobyerno’ dahil sa kanyang track record o mahusay na pagganap sa tungkulin sa pagsusuri sa mga pangunahing proble­ma ng bansa parti­kular sa wastong pag­gamit ng pondo ng pamahalaan.

“Paliwanag ako nang paliwanag, kung hindi naman kayo interesado makinig, at ang gusto n’yo lang marinig ‘yung mga mabababaw na isyu na halata mo naman ‘yung pangako hindi kayang pangatawanan ay nasa sa inyo,” dagdag ni Lacson.

Aniya, hindi proble­ma ang komuni­kasyon sa nakalulungkot na sitwa­syon ngayon, sa halip posibleng ugat nito ang problema sa pagitan ng nagbibigay ng mensahe at tumatanggap nito na kina­kailangan ng mala­king pagbabago para magkaroon ng pagkaka­unawaan.

“Kaya tayo baon sa utang ay [kasi] hindi natin na-a-appreciate [ang maliliit na tagumpay sa laban kontra korup­siyon],” sabi pa ni Lacson hinggil sa kanyang isi­nusulong na kampanya laban sa katiwalian.

“Imagine kung pareho mong i-improve ‘yon, mawawala ‘yung leakage sa revenue collection [at] mawawala rin ‘yung leakage sa pag­gastos sa expenditure. Lalo nang gaganda talaga ‘yung buhay ng bawat Filipino na kababayan natin,” aniya.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …