Friday , November 15 2024

Leisure travel requests suspendido sa Baguio (Sa banta ng Omicron)

PANSAMANTALANG sinuspende ng pama­halaang lungsod ng Baguio ang pag-aproba ng leisure travel requests papasok dito kasunod ng pagtaas ng bilang ng mga kaso ng CoVid-19 cases at banta ng panibagong variant na Omicron.

Sa kanilang advisory, sinabi ng Baguio Tourism Office na ang mga leisure travel requests sa ilalim ng Visitor Information and Travel Assistance (VISITA) platform ay pansa­man­talang suspendido simula nitong Linggo, 2 Enero.

Gayon pa man, ang mayroon nang aprobadong request at may QR-coded tourist passes ay papaya­gan pa rin pumasok sa lungsod sa kanilang idineklarang petsa ng biyahe at kailangan pa rin sumailalim sa triage.

Samantala, ang mga authorized persons outside of residence (APORs) at essential o opisyal na biyahe ay ia-accommodate sa hiwalay na portal —hdf.baguio.gov.ph — kung kailangang magpasa ng mga kaukulang doku­mento at kailangang sumailalim sa triage health screening.

Isasailalim ang National Capital Region sa Alert Level 3 simula ngayong araw, 3 Enero hanggang 15 Enero, matapos maitala ang biglang pagtaas ng mga bagong kaso ng CoVid-19 sa bansa.

Nitong Linggo, 2 Enero, naitala ang karagdagang 4,600 kaso ng CoVid-19; 21,418 aktibong kaso.

Sa kasalukuyan, naitala ang 2.851 milyong kabuuang kaso kabilang ang 2.778 milyong mga gumaling at 51,570 mga pumanaw.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …