Wednesday , December 25 2024

Lacson-Sotto, Magalong partners vs hacking

122021 Hataw Frontpage

HATAW News Team

MALALANG problema sa cybersecurity at hacking, ang binigyang-tuon ni Partido Reporma chairman at standard-bearer Panfilo “Ping” Lacson at running mate na si Senate President Vicente Tito Sotto III, kasama si Baguio City Mayor Benjamin Magalong sa paghahanap ng solusyon sa isyung ito na nambibiktima lalo sa hanay ng mga overseas Filipino worker (OFW).

Inimbitahan sina Lacson at Sotto sa Summer Capital of the Philippines nitong Biyernes, 17 Disyembre, para dumalo sa Youth Empowerment Forum ng Sangguniang Kabataan, matapos nito nakipag­pulong ang dalawang batikang mambabatas sa alkalde kung saan napag-usapan ang ‘smart city’ project ni Magalong. 

Bumilib si Lacson sa programang ito ni Magalong lalo’t konekta­do ito sa layunin niyang magkaroon ng full digitalization para sa mga transaksiyon ng pama­halaan na makatutulong para masugpo ang pango­ngotong at iba pang katiwalian sa gobyerno at mga isyu na may kaugna­yan sa cybersecurity.

“If we fail to digitalize, then ang daming mga bureaucratic layers pati mga human intervention. ‘Yung inefficiency talagang mag-a-accumulate. But subukan nating ma-digitalize ‘yung ating lahat ng government processes,” pahayag ni Lacson.

Iginiit ni Lacson, kinakailangan ng suporta ng pamahalaan para sa research at development na makapagpapabuti sa serbisyo ng gobyerno, mga banko at iba pang negosyo. Gayonman, sa kabila umano ng mga ipinasa nilang batas sa Senado at paglalaan ng pondo, hindi pa rin nakakamit ng mga Filipino ang maayos na teknolohiya.

“Ang kalaban talaga dito corruption, ano. ‘Yung sa amin kasi, ‘pag na-solve natin ‘yung corruption sa government at least 50 percent of all our problems will be solved. Sinasadya e. We can fully digitalize our economy. Pati ‘yung mga business transactions, but they refuse, I don’t know why,” sabi ni Lacson.

Dahil sa pagpapa­lakas ng digitalization sa Baguio City, pinuri ng Lacson-Sotto tandem ang naging maayos na pama­malakad ni Magalong na isa rin retired general. Para sa batikang mam­babatas, ang ginagawa ng alkalde ay perpektong halimbawa ng isang magandang pama­mahala.

“Good governance can only be made possible by good leadership and I’d like to emphasize without leadership by good example we can go nowhere, we will go nowhere as a nation,” ani Lacson.

About hataw tabloid

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Krystall Herbal Oil

Pulikat sa lamig ng panahon pinapayapa ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …