Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Pitmaster Foundation

Sa unang taon ng walang humpay na serbisyo
LIBO-LIBONG PINOY, NATULUNGAN NG PITMASTER FOUNDATION

LIBO-LIBONG nangangailangang Pinoy sa buong bansa ang natulungan ng Pitmaster Foundation sa unang taon pa lamang ng pagbibigay nito ng walang humpay na serbisyo sa mga mamamayan.

Ang Pitmaster Foundation, isang pambansang organisasyon ng kawanggawa na may malakas na ugnayan sa mga komunidad at mga institusyonal na kasosyo, ay isa sa pinakamalaking pribadong sektor na pinagmumulan ng tulong medikal at pinansiyal para sa mahihirap.

Sa unang taon nito, sa pamumuno ng chairman na si Charlie “Atong” Ang, ang foundation ay pinangunahan ng Executive Director nitong si Atty. Caroline Cruz, nagtutungo sa iba’t ibang panig ng bansa sa gitna ng banta ng pandemya, upang tulungan ang libo-libong Filipino mula Luzon, Visayas at Mindanao, dahilan upang tumatak sa isipan ng mga tao ang kahulugan ng ‘PITMASTER’ na “Providing Indigent Timely Medical Assistance Service and Targeted Emergency Relief.”

Pitmaster Foundation tulong
LIBO-LIBONG nangangailangan ang natulungan ng Pitmaster Foundation sa unang taon at marami pa ang nakalatag na hatiran ng tulong.

Kinilala rin ang Pitmaster Foundation na kaagapay ng pamahalaan sa pagbibigay ng direktang tulong pinansiyal sa mga Filipino na nangangailangan ng atensiyong medikal. Kinikilala rin sila dahil sa kanilang pagsisikap na tumulong sa paglaban sa CoVid-19, gayondin laban sa kagutuman, kahirapan, at pagkawala ng kabuhayan na kaakibat nito.

Ayon kay Atty. Cruz, ang foundation ay nakatulong sa halos 13,000 Filipino sa kanilang dialysis treatment, isa sa pinakapinansiyal na pasanin ng isang pamilya na may sakit sa bato. Nagbigay din ng tulong na pagkain sa mahigit sa 350,000 pamilyang Filipino sa panahon ng CoVid-19 pandemic lockdowns.

Sinabi ni Atty. Cruz, natupad na rin ng foundation ang kanilang commitment na magbibigay ng tig-isang ambulansiya sa lahat ng lalawigan ng bansa.

Nakapagbigay ang foundation ng 137 ambulansiya at patuloy na tumutulong sa mga lalawigan sa kanilang mga hinihinging ayuda.

Ani Cruz, mismong ang pangulo ng liga ng mga gobernador sa bansa ang nagsabi na ang foundation ay ‘one text away’ lang sa tuwing kailangan nila ng tulong.

Nabatid, ang Pitmaster rin ang isa sa pinakamalakas na kaalyado ng gobyerno sa paglaban sa CoVid-19. Nagkaloob ito ng 5,000,000 facemask, freezer at tumulong sa pagbabakuna ng 9,000 katao at ngayon ay sumusuporta sa kampanya ng pagbabakuna ng gobyerno sa isang nationwide raffle para sa mga nabakunahang indibidwal, na may mga premyo na nagkakahalaga ng P20 milyon.

Aktibong sinusuportahan ng foundation ang mga partner nito, nagbigay ng halos P30 milyon tulong sa mga tricycle driver at iba pang lumikas na tao, pagbibigay ng mga kagamitan sa pulisya upang tumulong sa pagpapatupad ng batas, pagsuporta sa mga katutubo, pagbibigay ng 6,300 wheelchair sa mga taong may kapansanan, at tumulong sa reforestration ng 250 ektaryang kabundukan sa mga lalawigan ng Quezon at Laguna.

Tiniyak ni Atty. Cruz, ngayong nakaisang taon na ang foundation sa paglilingkod, layunin nilang makipagtulungan pang lalo sa pamahalaan, civil society, at iba pang mga katuwang upang maisakatuparan ang misyon nitong magkaloob ng direkta at compassionate na assistance sa mga higit na nangangailangang Filipino.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …